*DAKILANG PINUNO NG MGA ILOKANO SA PANGASINAN*
Ipinanganak sa Aliaga, Nueva Ecija noong ika-17 ng Hunyo, 1877. Siya'y naging kasapi sa katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio (1896). Siya ay isa sa pinaghahanap ng mga kastila. nagtago siya sa kabundukan hanggang noong Enero 14, 1897.
Pagkaraan ng mahabang panahon sa pagtatago, nagtatag siya ng isang maliit na hukbo na binubuo ng mahigpit na tatlong daan katao. Namalagi silasa Biak-na-Bato. Nahirang siya bilang Heneral ng Brigada. Naging pinuno siya sa mga nakipagbaka sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at Pangasinan.
Nagtatag siya ng pamahalaang sibil sa Pangasinan. Naging pinuno rin siya sa mga manghihimagsik na sumalakay sa mga lalawigan ng Ilokos. Nahalal din siya bilang kamandanting Heneral sa Hilagang Luson. Ang pangkay ni Heneral Tinio ang ang nagpahirap sa hukbo ni Heneral Bell hanggang sa siya'y napilitang sumuko noong Mayo 8, 1901. Pinatunayan din ni Heneral Bell ang katangan ni Heneral Tinio at ang kagitingan nito sa pakikipaglaban.
Noong Hunyo 17, 1907, siya ay nahirang na Gubernador ng Nueva Ecija at noong Hulyo 1, 1909 ay nahirang siyang Tagapamahala ng kawanihan ng Paggawa. Pagkaraan ng isang taon sa tungkulin siya ay nabitiw at bumalik sa pagpapasaka sa kanyang mga lupain. Namatay siya noong Pebrero 22, 1924.