Pages - Menu

Mga Bugtong

Walang bibig, walang pakpak,
Kahit hari’y kinakausap.
Sagot:Aklat
Walang paa, walang pakpak,
Naipamalita sa lahat.
Sagot:Aklat
Hindi halaman, maraming dahon,
Ang ibinubunga ay dunong.
Sagot:Aklat
Baston ng kapitan,
Hindi mahawakan.
Sagot: Ahas
Isang biyas ng kawayan,
Maraming lamang kayamanan.
Sagot: Alkansiya
Bahay ni kahuli,
Haligi’y bali-bali,
Ang bubong ay kawali.
Sagot: Alimango
Heto na si kuya,
May sunong sa baga.
Sagot: Alitaptap
Heto na si bayaw,
Dala-dala’y ilaw.
Sagot: Alitaptap
Heto , heto na,
Malayo pa’y humahalakhak na.
Sagot: Alon
Sa bukid nagsasaksakan,
Sa bahay nagbunutan.
Sagot: Amorseko
Kulubot ang balat,
Ang loob ay pilak,
Siit namimilipit,
Ginto’t pilak namumulaklak.
Sagot: Ampalaya
Pagkatapos na ang reyna’y
Makapagpagawa ng templo,
Siya na rin ang napreso.
Sagot: Anay
Ako’y may kaibigan,
Kasama ko kahit saan,
Mapatubig ay di nalulunod,
Mapaapoy ay di nasusunog.
Sagot: Anino
Mayroon akong matapat na alipin,
Sunod nang sunod sa akin.
Sagot: Anino
Manok kong pula,
Inutusan ko ng umaga,
Nang umuwi’y gabi na.
Sagot: Araw
Kung dumating ang bisita ko,
Dumarating din ang sa inyo.
Sagot: Araw
Tubig na nagiging bato,
Bato na nagiging tubig.
Sagot: Asin
Mataas ang paupo,
Kesa patayo.
Sagot: Aso
Hindi hayop, hindi tao,
Hindi natin kaano-ano,
Ate nating pareho.
Sagot: Atis
Buhay na hiram lamang,
Pinagmulan ng sangkatauhan.
Sagot: Babae
Dinadala ko siya,
Dinadala ako niya.
Sagot: Bakya
Dala mo siya dala ka niya,
Kasama saan man pumunta.
Sagot: Bakya
Tubig kung sa isda,
Lungga kung sa daga,
Kung sa tao’y ano kaya.
Sagot: Bahay
Sa gabi pumapatay,
Sa araw ay bumubuhay.
Sagot: Bahay
Wala sa langit, wala sa lupa,
Kung lumalakad ay patihaya.
Sagot: Bangka
May likod walang tiyan,
Matulin sa karagatan.
Sagot: Bangka
Lumalakad ay walang humihila,
Tumatakboy walang paa.
Sagot: Bangka
Alin dito sa buong lupa,
Kung lumakad ay tihaya.
Sagot: Bangka
Kabaong walang takip,
Sasakyang nasa tubig.
Sagot: Bangka
Wala sa langit, Wala sa lupa,
Kung lumakad ay patihaya.
Sagot: Bangka
Nakalantay kung gabi,
Kung araw ay nakatabi.
Sagot: Banig
Isang biyas ng kawayan,
Ang laman ay kamatayan.
Sagot: Baril
May katawa’y walang bituka,
May puwit walang paa,
Nakakagat tuwina.
Sagot: Baso
Buhay na hindi kumikibo,
Patay na hindi bumabaho.
Sagot: Bato
Kung sa ilang, walang kwenta;
Sa gusali mahalaga.
Sagot: Bato
Palayok ni isko,
Punong-puno ng bato.
Sagot: Bayabas
Isang balong malalim,
Punong-puno ng patalim.
Sagot: Bibig
Ang ilalim ay impyerno,
Ibabaw ay purgatoryo,
Gitna’y makakain mo.
Sagot: Bibingka
Nagsasaing si pusong,
Sa ibabaw ang tutong.
Sagot: Bibingka
Pinakain ko nang pinakain,
Pagkatapos ay ibinitin.
Sagot: Bingwit
Alin sa buong katawan,
Nasa likod ang tiyan.
Sagot: Binti
Napapagod kung tumitigil,
Kung tumatakbo’y gumigiliw.
Sagot: Bisikleta
Itinanim sa kagabihan,
Inani sa kaumagahan.
Sagot: Bituin
Kung di pa sa liig pinigilan,
Di pa ako bibigyan.
Sagot: Bote
Heto na si lulong,
Bubulong bulong.
Sagot: Bubuyog
Inisip ng marunong,
Sinabi ng gunggong.
Sagot: Bugtong
Maitim na parang alkitran,
Pumuputi kahit hindi labhan.
Sagot: Buhok
Nagsaing si kuruktong,
Kumuloy walang gatong.
Sagot: Bula ng Sabon
Isang pinggan, laganap
Sa buong bayan.
Sagot: Buwan
Mahabang-mahaba,
tinutungtungan ng madla.
Sagot: DaanNaligo ang senyora,
hindi nabasa ang saya.
Sagot: Dahon ng gabi
Nagtanim ako ng dayap,
sa gitna ng dagat,
marami ang nagsihanap,
iisa ang nagkapalad.
Sagot: Dalaga
Limang punong niyog,
iisa ang matayog. 
Sagot: Daliri
Limang Prinsipe sa balite,
sombrero ay tigkakalahati.
Sagot: Daliri
Munting uling, bibitin-bitin,
masarap kanin, mahirap kunin.
Sagot: Duhat
Nang maliit ay kastila,
nang tumanda ay baluga.
Sagot: Duling
Isang taong disgrasyada,
kung tumingin ay dalawa.
Sagot: Duling
Takbo roon, takbo rito,
hindi makaalis sa tayong ito.
Sagot: Duyan
Isang hayop na maliit,
dumudumi ng sinulid.
Sagot: Gagamba
Mahahabing tagabukid nasa tiyan ang sinulid,
kung umaga’y umiidlip, kung gabi’y naghuhumapit.
Sagot: Gagamba
Nagbabahay si maitim,
walang haliging itinanim.
Sagot: Gagamba
Nagsaing si Judas,
kinuha ang hugas,
itinapon ang bigas.
Sagot: Gata
Tubig ng pinagpala,
walang makakuha kundi munting bata.
Sagot: Gatas ng ina
Bahay ni San Vicente ,
punong-puno ng diamante.
Sagot: Granada (prutas)
Nagsaing si kurukutong,
bumubula’y walang gatong.
Sagot: Gugo
Kung nakahiga’y patagilid,
kung nakatayo’y patiwarik.
Sagot: Gulok o itak
Malaki kung bata,
maliit kung matanda dahil sa kahahasa.
Sagot: Gulok o itak
Aso kong si pula,
sumampa sa sanga,
nag pakita ng ganda.
Sagot: Gumamela
Heto na si kaka,
bibika-bikaka
Sagot: Gunting
Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang;
kapag sila’y nag papasyal, nahahawi ang daanan.
Sagot: Gunting
Dalawang magkaibigan, may talim ang tiyan;
matagal ng nagkakagatan di pa nagkakasakitan.
Sagot: Gunting

© http://bugtongpinoy.blogspot.com