Pages - Menu

Dr. Jose P. Rizal

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas 1861- 1896

PERSONAL NA TALA SA BUHAY

Tunay na Pangalan: Jose Protacio Mercado Y Alonzo Mga Sagisag- Panulat: P. Jacinto, Dimas- alang, Laong- Laan Araw ng Pagkasilang: Hunyo 19: 1861 Lugar na Sinilangan: Calamba, Laguna Ama: Don Francisco Engracio Rizal Ina: Teodora Morales Alonzo Realonda Mga Kapatid: Paciano, Saturnina, Trinidad, Soledad, Josefa, Narcisa, Lucia, Comcepcion, Olympia. Maybahay: Josephine Bracken Araw ng kamatayan: Disyembre 30, 1896 Lugar kung saan namatay: Bagumbayan ( mas kilalang Luneta o Rizal Park sa ating panahon) Sanhi ng kamatayan: Pinatay sa pamamagitan ng musketry o pagbaril nang patalikod Edad nang namatay: 35

EDUKASYON

Ang inang si Teodora Alonzo ang unang naging guro ni Rizal. Ito ang nagtuturo sa kanya nang pagbabasa ng alpabeto. Siyam na taon siya nang mag- aral sa maliit na paaralan ng Biñan sa pamamahala ni G. Justiniano Cruz.

Dahil sa rami ng nalalaman, pinayuhan ni G. Cruz ang kanyang mga magulang na ipasok siya sa Ateneo de Manila (1872) upang doon ipagpatuloy ang pag aaral. Sa Ateneo ay higit siyang kinakitaan ng kakaibang talino. Marami siyang natamong mga karangalan at mga medalya. Pawang sobresaliente o katumbas ng salitang pinakamataas/pinakamahusay ang kanyang mga nakuhang marka. Nagtapos siya ng Batsilyer en Artes sa Ateneo noong Marso 23, 1877.

Habang nag aaral sa Ateneo ng land surveying at pagiging assessor, isinabay din ni Rizal ang pag-aaral ng kursong Filisofia y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kaya lamang hindi niya ito natapos ay sapagkat pinili niyang lumipat sa kursong medisina nang malaman niyang mabubulag ang ina.

Sa kasamaang palad ay hindi rin natapos ni Rizal ang pag-aaral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang dahilan nito ay ang nakita niyang maling pamamalakad ng mga payle sa naturang eskuwelahan. Mas binigyan pabor ng mga prayle ang mga kaklase niyang Kastila kaysa kanilang mga Pilipino. Nagdesisyon si Rizal na mag- aral sa Espanya, sa Unibersidad Central de Madrid kahit noon ay 21 taon lamang siya. Mag- isa siyang pumunta at namuhay sa Espanya. Taong 1884-1885 ay natapos niya ang kursong Medisina.

Hindi doon natapos ang pagtuklas ni Rizal ng karunungan. Muli ay ipinagpatuloy niya ang pag- aaral sa Paris, sa bansa ng Pansiya at sa Heidelberg sa bansa naman ng Alemanya. Dito niya tinapos ang kanyang pangalawang doctorate degree. Nag aral rin siya ng iba't ibang wika sa Euriopa. Sa edad na 27 ay nakapagsasalita at nakapagsusulat na siya ng maraming wika ng mga bansang Kanluran kaya naman kinilala rin siya sa bilang isang linggwista.

MGA ISINULAT

Matapos ang mga pagtuklas ng kaalaman, itinuon naman ni Jose Rizal ang pansin sa pagsusulat ng mga lathalain, tula at mga kuwentong nagpapakita sa kaapihang dinaranas ng mga Pilipino sa kamay ng mapagmalabis na mga Kastila.

Naging bantog ang mga isinulat niyang mga nobela. Ang Noli Me Tangere, na tumatalakay sa mga pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino ay nalathala sa Berlin sa bansang Alemanya noong 1886. Ang El Filibusterismo ay nalathala sa Ghent, Belgium noong 1891. Tumutuligsa rin ito sa maling pamamalakad at pang-aabuso na dinaranas ng mga Filipino sa kamay ng mga Kastila. Bagay ito na naging dahilan upang higit siyang kamuhian ng mga prayle at pinunong mga Kastila.

Sa kanyang pag-uwi sa bansa, muli siyang pinabalik ng kanyang pamilya sa Europa upang makaiwas sa masamang tangka ng mga Kastial. Labag man sa loob ay napilitan siyang muling lumayo sa mga mahal sa buhay. Nagkaganoon man, higit siyang naging malaya sa pagkilos at paggawa ng mga bagay na magdudulot ng pagbabago sa bansang Pilipinas.

Lalong lumala ang pang- aabuso ng mga kastila sa mga kababayan ni Rizal sa Calamba. Sapiliyang pinagbabayad ng buwis ang mga tao roon. Ang mga hindi makapagbayad ay pianlalayas ng mga ito sa kanilang mga tirahan. Tuluyan ng ring kinakamkam ng mga Kastila ang naiwang mga lupain. Maging ang mga magulang ni Rizal ay hindi nakaligtas sa kasakiman ng mga dayuhan sa kabila nang mahusay na pakikitungo ng ama't ina sa mga ito.

Dahil sa nangyari, lumapit si Rizal sa mataas na pinuno ng Espanya. Nabigo siya dahil puro paimbabaw lang ang ipakitang pakikitungi ng mga ito. Bagama't nagkaganoon ay hindi siya pinanghinaan ng loob. Higit pang nag-umigting ang mithiin niyang ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.

Ang Mi Ultimo Adios o Ang Aking huling Paalam (My Last Farewell) ay isinulat ni Rizal habang siya ay nakapiit sa Fort Santiago sa Maynila.

Nagsulat rin siya ng iba't ibang lathalain na naglalaman ng marubrob na damdamin para sa inang bayan. Nalathala ang mga ito sa diyaryong La Solidaridad.

PULITIKA/SAMAHAN

Naging lider si Rizal ng Kilusang Propagandista ng mga Filipinong estudyante sa bansang Espanya. Sa ilang taong pamamalagi niya sa banyagang lugar, pinilit ni Rizal na umuwi sa bansang noong Hulyo 3, 1892. Lihim niyang itinatatg na ang La Liga Filipina sa layuning mapag- isa ang mga Pilipno para sa baging simulain- ang makalaya sa mapanliit na mga Kastila. Lalong tumindi ang galit ng mga prayle sa kanya. Ipinaakip siya ng mga ito at ipinakulong. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga papeles na hindi naman talaga kanya. Pinalabas ng mga Kastila na kalaban siya ng relihiyong Katoliko. Ang mga naturang papeles ang ginamit na ebidensiya laban sa kanya. Dahil doon, ipinatapon siya sa isang bayan sa Zamboanga, ang Dapitan.

Sa pananatili niya sa Dapitan, nagkaroon ng tagapagligtas ang mga tao sa lugas laban sa mga sakit at karamdaman, sa kamangmangan at lalong lalo na sa pang- aabuso ng mga Kastila. Tinulungan niya ang mga ito. Ginamot niyta ang mga mata may sakit. Nagtayo rin siya ng maliit na paaralan at siya mismo ang naging guro ng mga kabataan. Namuhay siya ng normal. Siya rin ang naging takbuhan ng mga taong nangailangan. Hindi kataka- takang sa loob ng maikling panahon ay napamahal siya sa mga tao at itinuring siyang isa sa mga anak ng Dapitan.

Sa lugar ring iyon nakilala at minahal si Josephine Bracken. Ang babae ay anak ng isang Irish na tumungo pa roon upang ipagamot ang mga mata. Sa kasamaang palad ay hindi nagtagumpay si Rizal na maibalik ang paningin ng ama ni Josephine. Tuluyan itong namatay sa Dapitan. Nagbunga ng isang supling ang pagmamahalan nina Josephine at Rizal ngunit ialang sandali lang nabuhay ang sanggol at kaagad ring namatay paglabas sa sinapupunan. 

Hindi nagtagal, nakaramdam ng pagkabagot si Rizal sa Dapitan. Humingi siya ng pahintulot sa pamahalaang Kastila na payagan siyang magtungo sa Cuba, isa sa mga lugar na nasasakop ng Espanya. Ang layunin niya ay upang manggamot ng mga sundalong Kastila na kasalukuyang napapalaban doon. Pinahintulutan naman siya ng bagong Gobernador Heneral Blanco. Ang mga Taong nagtanim ng galit kay Rizal ay hindi pa rin tumigil hangga't hindi siya maipapapatay. Nagsilbi kasi siyang tinik sa lalamunan ng mga ito. Habang sakay ng barko na patungong Cuba, dinakip si Rizal sa bintang pinag-aalab niya ang lumalalang himagsikan laban sa España. Ipiniit niya sa Fort Santiago sa Intramuros. Habang nasa loob ng kulungan ay hindi rin tumigil sa pagsulat si Rizal. Ipinaalam niya sa mga kababayan na kahit mawala man siya sa mundo ay hindi naman mamamatay ang mga inihasik siya para sa kanyang bayan.

Ika-30 ng Disyembre, 1896 nang matatag na hinarap ni Rizal ang kanyang kamatayn sa Bagumbayan. Humiling siya na kung aari ay barilin siya nang nakaharap. Ibig niyang patunayang kailanman ay hindi siya naging taksil sa Inang Bayan. Tinutulan ito ng namumuno sa pagbaril na nakaharap kaya nang pakawalan ang mga punglo ay buong giting niyang iniharap ang sarili sa mga ito.

Bago nalagutan ng hininga ay nabigkas ni Rizal ang, "Mamamatay akong hindi nasisilayas ang pagsikat ng araw. Kayo na makakakita sa kanya, salubungin ninyo siya at ihatid ang kanyang liwanag sa ibang nasa kadiliman,"

PROPESYON

Manggagamot, manunulat, makata, inhinyero, linggwista, siyentipiko, manlalakbay, iskultor, ekonomista. Edukador at pilantropo. Isa sa mga gintong salita mula kay Rizal: "Ang mga kabataan ang pag asa ng bayan."

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO