*DAKILANG MAHISTRADO*
Isinilang sa Udlong Bataan noong Marso 2, 1847. Siya ay nagsimulang mag-aral sa gulang na limang taon. Nag-aral siya sa kolehiyo ng San JUan de Letran at sa Universidad ng Santo Tomas.
Noong 1862 ay nakatapos siya ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at noong 1867 ay sa Teolohiya. Noong 1876 ay nakatapossiya bilang isang manananggol.
Siya ay nagong mabuting guro sa batas at naging magaling na manananggol at ang marami sa kaniyang mga tinuruan tulad nina Osmena, Quezon, Ortigas, Palma, Delos Santos, Sumulong, Orense at marami pang naging kilala sa ating bansa.
Noong 1886 ay anahirang siyang "Mahistrado Suplente" at noong 1893 siya ay naging kagawad sa "Asemblea Provincial" siya rin ang namahala sa pagsulat ng mga patakaran ng nasabing ahensiya ng pamahalaan. Naging "Mahistrado Suplente De La Audencia Territorial De Manila".
Noong 1897 siya ay naging konsehal ng Maynila at noong 1898 nahalal siya bilang pangulo ng katas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Noong panahaon ng himagsikan siya ay naging Kalihim Panlabas.
Noong 1915 siya ay pinagkalooban ng titulong LI.D ng Pamantasan ng Pilipinas at ng Pamantasan ng Yale. Bukod sa pagiging mahusay na manananggol siya ay may mabuting kalooban at may takot sa Dios. Si Don Cayetano Arellano ay namatay noong Disyembre 23, 1920.