*MARTIR AT BAYANI NG LAHING PILIPINO*
Ipinanganaksa san Fernando, Pampanga, noong ika 19 ng Pebrero 1886. Nagtamo ng Master of Laws sa George Washington University. Nag-aral; din siya sa mga paaralang Sta. Clara sa California, sa Unibersidad ng Illinois at sa North Western University. Siya'y naging kalihim ng katarungan, naging pangulo sa misyon ng Edukasyon na naglakbay sa Estados Unidos noong 1926. Naging mahistrado sa kataastaasang Hukuman noong 1931. Ibinalik muli ng Pangulong Quezon sa pagka-kalihim ng katarungan noong Disyembre 24, 1941. Sumama siya sa pangulong Quezon sa Korehidor kasama sina Osmena at Roxas. Pinamili siya ng Pangulo kung lilikas siya sa Australia o mananatili sa Pilipinas. Pinili niya ang manatili at gampanan na lamang ang pagiging kalihim ng katarungan, Pananalapi, Pangangalakal at Pagsasaka. Mula sa Correjidor siya at kanyang anak ay nagpunta sa Iloilo at Negros, kailangan niyang magpapalipat-lipat upang hindi mahuli ng mga Hapones. Habang nagpapalipat-lipat si Jose Abad Santos at si Pangulong Quezon ay nagtungo sa Amerika at inihabilin sa kanya ang Pamamahala sa Pilipinas. Noong ika-11 ng Abril ng taong 1942 ay nahuli siya at si Junior ang kanyang anak sa Carcar Cebu ng mga kaaway. Inutusan siya ng mga Hapones na KUmbinsihin na sumuko si Heneral Manuel A. Roxas ngunit tumanggi siya. Sa galit ng mga Hapones dinala siya at si Junior sa Mindanao. Doon siya binaril at namatay noong Mayo 11, 1942. Sinabi ng Pangulong Quezon, sa ganang akin si Jose Abad Santos ay isa sa lolong marangal, malinis at karapatdapat at may kakakyahan na maglingkod sa pamahalaang Pilipinas. Isang Bayani at isang Martir ng lahing Pilipino..