*DAKILANG BAYANI NG BANSANG PILIPINAS*
Isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Kalamba, Laguna. Nagsimulang nag-aaral sa Binan at nagpatuloy sa Maynila at sa bansang Europa. Mga Wika na kanyang nalalaman, Pilipino, Engles, Kastila, Aleman, Pranses, Italyano, Portuges, Olandes, Latin, Griyego, Arabe, Nippongo, at marami pa.
Siya ay nagging Anthropologist, Botanist, Businessman, Cartographer, Dramatist, Economist, Educator, Engineer, Essayist, Entomologist, Ethnologist, Farmer, Folklorist, Geographer, Grammarian, Historian, Horticulturist, Humorist, Lexicographer, Linguist, Musician, Novelist, Psychologist, Satirist, Sculptur, Sportsman, Sociologist, Surveyor, Traveler, at Zoologist.
Itinuturing na pinakadakilang Pilipinong nabuhay, si Rizal ay nagging bayaning kinikilala sa daigdig dahil sa kanyang panunulat, sa Kastila, unang-una. Subalit ang unang wikang ginamit ni Rizal sa pagpapahayag ng kaisipang maliwanag na makabansa agad-agad ay ang wika niyang sarili.
Isinilang sa isang pamilyang nakaririwasa si Rizal ay nag-aral sa Ateneo at sa Universidad ng Santo Tomas sa Maynila at saka nagpatuloy ng pag-aaral sa Espanya. Tapos ng medisina, aiya’y napabantog sa ibat ibang larangan, gaya ng pagkatha at paglilok at pagsasalita ng ibat-ibang wika. Subalit ang pinakarurok ng kanyang buhay ay naganap nang mapasangkot siya sa kilusang propaganda – isang kilusan ng mga matatalinong Pilipinong nagsikap na magtamo ng mga pagbabago sa pamamahal ng Kastila sa pilipinas tungo sa ikapagkakamit ng mga kalayaang sibil ng mga katutubo. Ang pagkakasangkot niya ay naganap sa pamamagitan ng pagsulat – sa kastila, at pinakamaapoy na katha niya ay ang dalawang nobela, ang NOLI ME TANGERE (1887) at ang EL FILIBUSTERISMO (1891) na nagbunyag sa daigdig sa ginagawa ng mga mananakop sa Pilipinas sa kanyang panahon. Ang ganyang papel niya ay naghatid s kanya sa kamatayan, sa harap ng isang iskwadron sa Bagumbayan, sa Luneta, noong Disyembre 31, 1896.
Ang nasyonalismo ay maagang ipinakita ni Rizal, sa katunayan, sa kanyang unang tula pa lamang, sa tulang inialay niya “sa aking mga kababata”, na nagpakilala ng pagmamahal niya sa sariling wika. Ang ikalawa’t huling nakilalang tula niya sa Tagalog ay may diwang makabansa rin, ang kanyang “Kundiman” ay nagpakilala ng mataos niyang pananalig sa lakas at kakayahan ng kanyang mga kababayan.