Pages - Menu

PANDAY PIRA (1488-1576)

http://pilipinaskongminamahal.blogspot.com “Unang Pilipino na nakagawa ng Kanyon”

Noong 1488, sa isa sa mga mahanging pulo sa Sulu, may isang batang lalaki na isinilang ng maybahay ng isang mandirigmang Muslim. Ang batang tinawag na si Pira ay lumaki sa lilim ng makulay na mga tahanang nakaluklok sa mga haligi sa mababaw na pampang ng maliit na lawa. Ang tahimik na kabuhayan sa nayon ay nakabalisa sa kanya. Malimit siyang magpalipas ng mga oras na nag-iisa at baghahagis ng nga bata ssa dagat-dagatan. Siya’y mahusay pumintirya, at malilmit niyang mapatamaan ng mmga bato ang mga isda at palos na nagpupumiglas lumayo. Naisip niya, kung anga mga bato ay magaan, lalong malayo ang maaabot.
Noong 1508,ay nabuo na anga kanyang balak na gumamit ng puwersa ng hangin sa pagbubuga ng balang yari sa maagang na metal. Siya’y nagtayo ng pandayan ng kanyong sa hilagang pampang ng Ilog Pasig, sa dako ng ngayon ay tinatawag  na San Nicolas. Ilang kanyon ang nayari dito sa pagtatanggol sa maynila laban sa malimit na pananalakay ng mga piratang  nanggagaling sa mga dagat sa timog. Noong galugarin nina Kapitan Martin de Goiti at Juan de SAlcedo  ang Timog noong Mayio 1565,sila’y nabigla nang sila’y salubunging ng putukan ng labindalawang kanyon na gawa ni Panday Puira. Samantalang ang mga manlulusob ay sumasadsad sa bunganga ng Ilog Pasig, ang artileryang ito ng mga tagarito ay nakukubli sa likuran ng mga nilalang uway at kawayn na dinadala ng mga posting kahoy na kung tawagin ay kuta. Ang mga putok na pinasabog nila ay ikinamangha ng mga sumasadsad. Dahil sa kahinaang klase ng pulburang kanilang ginamit, ang mga taga Maynila ay natalo sa artilerya na tumagal nang ilang oras. Ang mg akanyon ay sinamsam nina de Goiti at de Salcedo at inihandog ang mga it okay Legaspi, bilang tropyo sa digmaan. Ang mga kanyong ito ay masusing ipinasuri ni Legaspi sa hangad na gamitin ng mga Kastila. Ang mga Kanyon ay napatunayang mayibay. Hindi nagkalamat kahit paputukin at kahit maraming pulbura ang agamitin. Kinikilalal ni Legaspi na ang mga kanyon ni Panday Pira ay lalong matibay kaysa mga kanyong nasa kanyang mga bapor.
Pagkatapos na ang Maynila ay pormnal na masakop ni Legaspi noong  1571, hananp niya si Panday Pira dahil sa kanyang mahalagang karunungan. Subalit hindi matagpuan ang mangagawang kanyon.Pagkalipas ng labanan sa MAynila noong 1565, si Panday Pira ay tumakbo sa Bulakan. Buhat doon, siya’y tumungo sa Pampanga at nanirahan sa ngayon ay tinatawag na Apalit. Doon siya’y nagtayo ng isang pandayan at nanggawa ng kauna-unahang araro at lipya. Gumamit si Pira ng luad sa pangagawa ngmga kasangkapang ito.
Namatay si Panday Pira noong 1576 sa gulang na 88. Malaking kawalan sa mga Kastila ang pagkamatay ni PAnday Pira. Ipinabatid ng mga sa p;inuno nila sa Espanya aat humihingi ng kapalit ni Panday Pira . Dinakila ng mga Kastila ang Kadakilaan ng isang Pilipino.
Bilang pag-alaala sa unang Pilipino na nakagawa ng kanyon isang lansangan sa Tondo Maynila ang isinunod sa kanyang pangalan....

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO