Pages - Menu

Dr. Jose Rizal: Isang Mahalagang Ulat ng Kanyang Talambuhay

Jose P. Santos

Buhay ang pinuhunan n gating mga bayani sa ngalan ng paglaya. Sana’y huwag natin silang biguin sa kanilang mga pangarap.

Sinasabing ang talambuhay ng ating mga bayani ay kasaysayan na rin n gating bansa. Basahin ninyo ang mahalagang pangyayari sa buhay ng dakilang si Dr. Rizal at para na ring nabasa ninyo ang kasaysayan ng Pilipinas.

Sa maraming magiting na bayaning sumilang sa Pilipinas ay si Dr. Jose P. Rizal  lamang ang nakasulat ng mga akdang isinalin sa iba’t ibang wika. Ang kanyang Noli Me Tangere at El Felibusterismo ay di nila kailangang banggitin pagkat ang pagkakahulog nito sa iba’t ibang wika ay alam na ng lahat halos. Ang kanyang Huling Paalam, ayon sa pagsisiyasat na ginawa, ay nagkaroon din ng maraming salin sa iba’t ibang wika: sa Tagalog ay apat, at tig- iisang salin sa mga wikang Greko, Aleman, Pranses, Instik, Hapon, Moro, Bisaya, Ilonggo, Sebwanoo, Pangasinense, Bicolano, dalawa sa kapampangan, at dalawa sa Ilocano.

Sa bawat araw ng sanlinggo ay may mahalagang pangyayaring kaugnay ng kanyang kasaysayang sarili. Araw ng Lunes nang matapos niyang sulatin ang Noli Me Tangere; araw ng Martes nang dumating siya sa Yokohama, Hapon patungong Amerika; araw ng Miyerkules nang siya’y ipinanganak; araw ng Huwebes nang magtungo siya sa Museo Britanico sa Londres, Inglatera, upang pag- aralan ang Historia de Filipinas ni Morga; araw ng Biyernes nang tanggapin niya sa Universidad Central sa Madrid ang katibayan ng pagiging manggagamot; araw ng Sabado nang sulatin niya ang kanyang Huling Paalam, at araw ng Lingo nang dumating siya sa Maynila, buhat Hongkong, upang mula rito ay ipatapon sa Dapitan. Ang araw ng Miyerkules ay napatangi sa lahat ng araw: Miyerkulas nang siya’y ipinanganak., Miyerkules nang siya’y barilin at Miyerkules din nang ipinanganak ang kanyang ina.

Sa bawat isa sa labindalawang buwang bumubuo sa isang taon ay may isa ring mahalagang pangyayari sa kanyang buhay na dapat mapatala sa kasaysayan. Buwan ng Enero nang tumulak siya sa Madrid patungong Pransiya; buwan ng Pebrero nang matapos niyang sulatin ang Noli Me Tangere; buwan ng Marso nang tanggapin niya ang katibayan ng pagka- batsilyer sa sining o bachiller en artes sa Ateneo Municipal de Manila; buwan ng Abril nang tumanggap siya ng gantimpala sa Liceo Artistico Literario dahil sa kanyang akdang El Concejo de los Dioces; buwan ng Mayo nang umalis siya sa Maynila patungong Europa  upang tumuklas pa ng iba’t ibang karunungan; buwan ng Hunyo nang siya’y ipanganak; buwan ng Hulyo nang tumulak sya ng Maynila patungong Dapitan na pinagtapunan sa kanya; buwan ng Agosto nang maglakbay siya sa Espanya mula sa Dapitan; buwang ng Septyembre nang mag- aral siya sa barcelona; buwan Oktubre nang piitin siya sa Kastilyo ng Montjuich, Barcelona, Espanya; buwan ng Nobyembre nang magsimula siya ng pag- aaral sa Madrid, Espanya; buwan ng Disyembre nang siya’y barilin sa Luneta. Kabilang din sa mahahalagang pangyayari  sa kabuhayan ni Dr. Jose Rizal itong sumuusunod: ika-19 ng Hunyo ng siya’y  ipanganak at ika- 19 na ng Hunyo nang siya ay makatapos ng pag- aaral ng pagkamanggagamot sa Unibersidad Central de Madrid. Itong sumusunod ay sya naming mahalagang tala sa kanyang buhay.

Ipinanganak siya sa bayan ng Kalamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo ng 1861. Siya ang ikapitong anak ng mag- asawang Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo Quintos.

Bininyagan siya noong ika-22 ng Hunyo ng taon ding yaon.

Noong 1870 ay nagsimula siya ng pagaaral sa Binyang, sa paaraalang pinamamahalaan ni Ginoong Justiniano G. Cruz. Noong 1871 ay nasok sa isang paaralan sa Kalamba na pinamamahalaan naman ni G. Lucas Padua.

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO