Pages - Menu

Tula: Ako'y Pilipino


1
Hindi ako iba, ako'y Pilipino
Sumilang sa lupang mayama't matao…
Pulo- pulong lupang lumutang sa dagat,
tabi- tabingg pulong may bundok at gubat,
Alaga ng araw sa ganda't liwanag
Mutya ng silangan, ngala'y Pilipinas

2
Nabuhay, lumaki, nag- aral, natuto
Aking natutuhang nabubuhay tayo
Sa sariling lakas, sikap at talino…
Tayo'y may layunin at diwang maganda
Marunong magtiis, maalam magbata,
Pagka't Pilipino sa diwa't kaluluwa.

3
Ako'y Pilipino at hindi dayuhan,
Sa silangan tubo't di tagakanluran.
May isang watawat at sariling wika,
Anak- bansang sakdal tapang at malaya,
Tiwasay ang buhay at puso'y payapa,
Kalahi ni Rizal, karugtong sa diwa..

4
Ako'y kayumanggi't kapatid sa kulay
Banat ang buto at salab sa Araw,
Dakila ang mithi at banal ang pakay…
Tapat at marangal sa kaisang palad,
Pagka't Pilipinong taga- Pilipinas.
At si magtataksil sa kanyang watawat,
Lalong di susuko kahit mawakwak…

5
At sa nagtatanong na kung ako'y sino,
Ang sagot ko'y tiyak, walang pagtatalo:
Ako'y anak- lahing may isang Bathala,
May isang watawat sa sariling wika,
Tumubo sa isang bayang masagana
Sa dugong bayaning nagsipanalasa…

6
Nabuhay sa hirap, sa hirap magtatagumpay
Ng Pagsasarili't tanging kalayaan,
Na kung tutuusin yaong kahuluga'y
Kusang mabubuo sa pagasalaysay
Ng isang katagang tunay at totoo:
Hinding- hindi iba yaring pagkatao,
Pilipinong likas, ako'y Pilipino.

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO