Pages - Menu

Ang Alamat ng Saging


Parehong naglilingkod sa kastilyo ang magkaibigang Saguingging at Amimay. Sa ipinakikita nilang kasipagan ay walang itulak-kabigin sa kanilang dalawa, subalit higit na kinagigiliwan ni Dukesa Eufra si Saguingging. May nakita itong katangian sa dalaga na wala kay Amimay. Para kasing may mahika ang magagandang kamay ni Saguingging sapagkat ang bawat mahawakan nitong gawain ay laging wasto at ang bawat lutuing pagkain ng kanyang kamay ay talaga namang masasarap. Sanhi nito, lalong napatangi sa dukesa ang dalaga. Sa kabila ng mga papuri ay nanatili pa ring mapagkumbaba si Saguingging. Katunayan, ibinabahagi niya sa kapwa katulong lalo na kay Amimay ang anumang bagay na ibinibigay sa kanya ni Dukesa Eufra.

Gayunpaman, ang kabutihang- loob ng dalaga ay walang saysay sapagkat kinaiinggitan pala siya ng kaibigan. Dahil sa ïnggit"nag- isip si Amimay ng paraan upang masira ang magandang kamay ni Saguingging. Habang wala pang maisip ay pansamatala itong nagpapakitang-giliw sa kaibigan.

Isang hapon, nagpasama sa magkaibigan ang dukesa sa kanyang paglalakad sa labas ng kakahuyan. Walang anu- ano ay isang mabangis na baboy- ramo ang biglang sumulpot mula sa loob ng gubat. Lalong mabagsik ang mailap na hayop palibhasa'y sagatan at sa kanila ngaun ito maninibasib.

"Tumakbo na kayo mahal na dukesa, amimay…takbo! Sigaw ni Sanguingging at lakas loob na hinarang ang sumusugod na hayop.

Sa ginawang iyon ng dalaya ay nakalayong ligtas sina Dukesa Eufra at ang kaibigan. Samantala, sinakmal ng baboy- ramo ang katawan ni Saguingguing at walang awang iwinasiwas sa lupa. Saka pa lang dumating ang mga humahabol na mangangaso; nasukol at napatay nila ang mabangis na hayop datapuwa't wala nang buhay ang kahabg- habag na dalaga.

Ipinagluksa ng lahat ang pagkamatay ni Saguingging. Binigyang parangal naman ng duke ang kagitingingan ipinamalas ng butihing katulong. Doon na rin nila ipinalibong ang bangkay ng dalaga sa pansariling hardin ni Dukesa Eufra. Bukod sa hardinero ay si Amimay lamang ang may pahintulot na makapasok sa loob ng hardin. Sa utos ng dukesa, tuwing umaga, ay nag- aalay ng tatlong bulaklak na rosas ang dalaga sa puntod ng kanyang kaibigan. Madalas ding sambitin ni Amimay ang…

"Patawarin mo ako, Saguingguing. Kinaiinggitan kita at pinag isipan ng masama gayong isa kang dakilang kaibigan. Ibinuwis mo ang iyong buhay para sa akin at para sa dukesa. Maraming- maraming salamat."

Isang umaga, nagitla si Amimay nang may umusbong ng halaman sa puntod ng kaibigan. Maging ang hardinero ay nagtaka rin sa pagtubo ng halamang iyon na di mawari. Agad ipinagbigay- alam ng dalaga sa dukesa ang kanyang nakita na ikinatuwa naman nito dahil sa paniniwalangan iyon ay si Saguingging, kaya…

"Ikaw amimay agn mag- aalaga at magdidilig kay Saguingging upang sa aking pagbabalik mula sa ibang bansa ay malago at namumulaklak na siay."

Ang bilin ng dukesa ay kanyang tinupad, subalit sa halip na lumago, ang halaman na ito ay tumaas na parang puno ngunit hindi naman kahoy. Ang mahaba't malalapad nitong dahon at malambot na punong katawan ay nagdudulot ng pag aalinlangan kay Amimay. Hanggang dumating ang sandali ng pamumunga at saka pa lang napatunayan ng dalaga na mula nga sa katawan ng kaibigan ang punong tumubo. Para kasing mga daliri ng kamay ni Saguingging ang kanyang nakita sa bawat piling na nakakabit sa buwig na puno.

Pagkaraan ng ilang linggo, dumating ang mag asawang duke at dukesa mula sa pagliliwaliw. Sumalubong kapagdaka si Amimay at ibinalita ang tungkol sa bunga ng puno. Nagtungo sa hardin ang mag- asawa at bumulgaga sa kanila ang mga hinog na bunga na mistulang daliri.

"Kamangha- mangha!"bulalas nila sapagkat noon lamang sila nakakita ng ganoong uri ng prutas. Maraming ibon ang umaaligid pa sa puno at ang iba'y tumutuka sa prutas, nangangahulugang hindi nakakalason ang mga bunga ng punong iyon. Pumitas ang duke at tinikman ang daliring bunga. Ilang sandali pa'y labis na nasiyahan ang lahat sa naiibang sarap na kanilang nalasahan.

Sa kagalakan ng duke at dukea ay ipinatawag ang lahat ng tauhan sa kastilyo. Sila man ay pawang nagulat din pagkakita sa puno't bunga nito. Bawat isa'y tumikim. "Masarap,"wika nila. "Ngunit ano kayang prutas ito?"

"Bunga po yan ng punong tumubo sa puntod ni Saguingging,"ang magalang na sagot ng hardinero.

"Dahil ang prutas ay hugiis- daliri ng magagandang kamay ni Saguingging at ito ay bunga ng punong mula rin sa kanya, tatawagin nating itong saging."ang maagap na wika ng Dukesa.

Bukat noon ay SAGING na nga ang ipingalan nila sa prutas.

Naging kapansin- pansin naman ang biglang paglitaw ng maraming suwi sa paligid ng punong saging at halos nagsiksikan pa. Kaya pinagtulungan nina Amimay at ng hardinero na itanim ng hiwa- hiwalay ang mag suwi sa mauwang na bakuran ng kastilyo.

Dumaan ang mga araw, lumaki at nagkabunga rin ang mga suwi daptapuwa't  nakapagtataka dahil nagkaroon ng pagkaiba sa kulay. Lasa at hugis ang bunga ng bawat punong saging. Hindi maipaliwanag ni Amimay kung bakit nagkaganoon.