Pages - Menu

Ang bayani kapag pumanaw


Ang iyong libinga'y ibog kong dalawin,
Ngunit ang puntod mo'y saan hahanapin?
Nang ikaw'y tumayo; daming nakapansin,
Datapwa't nang mabuwal sa laot ng dilim
Walang nakakita hanggang sa malibing
Kundi ang nagluksang anino mo na rin.

Sa aba mong puntod nais kong manalangin,
Nguni't ang libing ma'y nasaan, nasaan?
Nang ikaw'y tumugon sa tawag ng bayan,
Dami mong kasamang sumugod sa parang;
nguni't nang matirik ang bandilang tangan,
Sino ang sa iyo's nakaala-ala man lamang?

Sa bango ng aming bulaklak na handog,
Yaring alaala'y hayaang ikintal
Sa kaluluwa mo, hamong maiabot
Ng hangin ang aming dalanging mataos…
Na sapaka't ikaw'y bayaning nalugmok,
Sa langit ka naman akayin ng Diyos.