Isang sagisag ng ating Kalayaan ang bandila. Namatay ang ating mga bayani upang ipaglaban ang bandilang Pilipino. Ginawa sa Hongkong ni Gng. Marcela de Agoncillo, ang anak niyang si Lorenza at ni Gng. Delfina Herbosa de Natividad na pamangkin ni Dr.Jose Rizal. Pinagtibay ang disenyo ng bandila ng Hunta Patriotika, na binubuo ng mga lider Pilipino ng itinapon sa Hongkong. Si Heneral Emilio Auinaldo ang sumubaybay sa pagpapagawa ng bandila.
Unang itinaas ang bandila noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Doon ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas. Ginamit din ang bandilang ito nang magpatulong sa unang pagkakataon ang Kongreso Pilipino sa Malolos. Nang dumating ang mga Amerikano noong 1907, pinagbawal nila ang pagtatanghal ng bandilang Pilipino. Subalit pumayag din ang mga Amerikano noong 1919 na itaas ang bandilang Pilipino kasama sa kanilang bandila. Muling ipinagbawal ang pagtatanghal ng bandila nang masakop ng Hapon ang Pilipinas. Dahil dito, iyon ang patagong ginagamit ng mga magigiting ng Pilipino. Pagkatapos ng digmaan, muling naitanghal ang bandila na kaagapay ng bandilang Amerikano. Noong Hulyo 4, 1946, ibinaba ang bandilang Amerikano at naiwang mag isang yumawagyway sa tagdan ang bandilang Pilipino.
Mga Dapat Tandaan Tungkol sa Paggalang sa Bandila
MAy tungkulin sa bandila ang lahat ng Pilipino. Ito'y dapat igalang at mahalin. Maipakita ang paggalang at pagmamahal sa bandila sa mga sumusunod na paraan:
1. Kapag ang bandila ay nagdaraan kung may parada o pagtatanghal, tumayo nang matuwid at humarap sa bandila.
2. Hindi dapat pasayarin ang alin mang bahagi ng bandila kapag itoý ibinaba upang huwag itong malapastangan.
3. Huwag gagamitin ang bandila bilang palamuti sa damit o sa bahay.
4. Maaaring ibalot ang bandila sa isang patay na pinararangalan ng Sandatahang- lakas. Hindi ito maisasama sa
hukay.
5. Itinataas ang bandila sa pagsikat ng araw at ibinababa paglubog ng araw.
6. kapag itinatanghal na kaagapay ng bandila ng ibang bansa, ang ating bandilaý dapat na laging nasa gawing kanan.
7. Sa parada na itinatanghal ang mga bandila ng ibang bansa, ang ating bandila ay dapat na nasa unahan ng gita ng
hanay ng isang bandila.
8. Hindi dapat isaludo ang bandila sa kahit kanino maliban kung pagpapalitan iyon ng pamimitagang-opisyal ng
dalwang bansa.
9. Kung panahon ng kapayapaan, nasa itaas ang asul.
10.Kapag itinaas ang bandila sa kalahatian ng tagdan, nagluluksa ang bansa
11. Kapag sira ang bandila at hindi na magagamit, dapat itong magalang na sunugin at hindi itapon o gawing basahan.