Isang lalaki ang nakipagkita kay Heneral Emilio Aguinaldo noong Hunyo 4, 1898, upang magbigay- galang at magpaabot ng kanyang pakikiisa sa mabunying heneral. Taglay ng naturang lalaki ang isang liham na galing kay Heneral Mariano Trias. Matapos na matunghayan ng heneral ang nilalaman ng liham ay saka pa lamang niya nabatid na ang lalaking iyon ay isang piyanista at matapat na alagad ng musika. Isang imnong likha ng isa ring kababayan ang kanyang ipantugtog. Ang musika ng imno ay nagpapahiwatig ng kasarilinan sa kagandahan at katangian. Ngunit ang kailangan niya ay isang tugtuging nag- aangkin ng higit na kapangyarihan ng damdaming makabayan- isang tugtuging nagpapaalab na lalo ng pag ibig sa tinubuang lupa.
Binalingan noon ng heneral ang kanyang panauhin, at hiniling dito na kumatha ng isang tugtugin tulad ng kanyang ninanais at pinananabikang marinig.
Pagkaraan ng ganap na isang linggo ( Hunyo 11, 1898) ang walang- kamatayang Marcha Filipina na iniukol sa Pamahalaang Manghihimaksik, ay sumilang! Ang lalaking iyon ay di iba't si Maestro Julian Felipe na sumakabilang- buhay may ilang taon na ngaun sa kanyang tahanan sa Gastimbide, Sampalok, sa gulang na 83. Ang kumatha ng Marcha Filipina ay yumaong taglaying bayan kaya "buong katarungang maituturing na isa siya sa mga bayani ng kapayapaan,"gaya ng ipanahayag na minsan ni Dr. Jose P. Laurel.
Ang orihinal ng Pambansang Awit ay kilala sa pamagat na Himno Nacional Filipino, ngunit karaniwang tinatawag na imno bilang isang awit at Marcha Nacional bilang tugtugin. Taglay ng unang dahon nito ang panimulang kinatititikan ng pang-ulang Marcha Filipina Magdalo. ( Ang "Magdalo"ay isang sagisag ni Heneral Aguinaldo sa Katipunan.)
Ang Marcha Filipina ay unang ipanarinig ng Maestro Julian Felipe sa harap ng mga pinuno ng Pamahalaang Manghihimagsik nang ang mga nasabing pinuno ay nasa isang lihim na kapulungan upang pag- usapan ang mahalagang bagay na may kinalaman sa masuliraning kalagayan ng bayan. Ang nabangit na kapulungan ay sandaling itinigil upang marinig at mapag-ukulan ng pansin ang bagong tugtuging likha ng kilalang maestro. Ang Pambansang Awit ay paulit- ulit na tinugtog na maestro sa harap ng nagsidalo sa kapulungang iyon. At pagkaraan ng maikling sandali ng pagpapalitang- kuro ay buong pagkakaisang pinagtibay ito ng kapulungan upang maging Marcha Filipina Nacional.
Ang Pambansang Awit ay tinugtog ng Banda Malabon noong ika- 12 ng Hunyo, 1989, tanging araw ng pagpapahayag ng pagsasarili ng Pilipinas at pagwagayway ng watawat sa bayan ng Kabite. Ang titik ay sinulat ni Jose Isaac Palma, isang kilalang makata at kabilang sa pamatnugutan ng la Independemcia. Bunga ng kahanga- hangang pagsasakit nina Maestro Julian Felipe at Jose Isaac Palma ang pagkakaroon natin ng Pambansang Awit. Ang dalawa ay patagpu-tagpo lamang sa iba't ibang pook. Si Fernando Ma. Guerero, ang tanyag na makata at mamahayag sa wikang kastila, ang siyang naging katulong ni Jose Isaac Palma sa paglalapat ng titik sa tutuginng pambansa.
Ang titik ng Pambasang Awit ay mula sa isang tulang Kastila ni Jose Isaac Palma na may pamagat na "Filipinas" at unang nalathala sa isang tanging bilang ng La Independencia noong ika-3 ng Setyembre, 1899.
Ang orihinal ay may dalawang salin sa wikang Ingles at isinalin sa wikang Tagalog ng makatang Idelfonso Santos. Si G. Lopez K. Santos ay gumawa ng isa ring salin sa Tagalog na pinamagatang "Diwa ng Bayan".
Isang Malaking Kawalan ng bansa ang pagyao ni Maestro Julian Felipe. Ang Ama ng Marcha Nacional ay pinapurihan ng naging Pangulong Laurel sa isang liham ng pakikidalamhati na pinadala nito ka Gng. Soledad Felipe Giron, isa sa mga anak na babae ng yuao. Ang isang bahagi ng sulat ay itng sumusunod:
"sa bawa'ttaong magdaan ay lalong nagiging makabuluhan at mahalaga ang sinasagisag ng ating Pambansang Awit: hanggang ngayon ay iginagalang ito ng ating bayan katulad ng ating bandilang siyang naglalarawan ng pambansang pagkakaisa natin, ng ating kasarinlan at ng mga langgati ng ating lahi.
"Sa bawa't tao ay may kislap ng kabanalan; at ito marahil ang naparubdob sa inyong ama sa paglikha ng gayong kaisipan- ng isang obra- maestrang lipos ng damdamin. At ang uri ng katangianng inani ng Pambansang Awit sa paglipas ng mga taon ay tinatasa rin ng lumikha nito, na buong katarungang itinuturing ng kasalukuyang salin ng lahi ng mga Pilipino na isa sa ating mga bayani ng kapayapaan."
At sa isang mabisang paraan ay naipakilala at naipadama ni Maestro Julian Felipe ang kanyang marubdob at dakilang pag-ibig sa sinilangang lupa; sa pamamagitan ng walang- kamatayang tugtuging may taginting ng makasaysayang kahapon, ng kasalukuyan at ng bukas.
Himno Nacional Filipina (1898)
Tierra adorada
Hija de sol Oriente,
Su fuego ardiente
En ti latiendo esta.
Patria de amores!
Del heroismo cuna,
Los invadores
No te hallaran jamas.
En tu azul cielo, en tus auras,
En tus montes y en tu mar
Esplende y late el poema
De tu amada libertad.
Tu pabellon, que en las lides
La victoria ilumino,
No vera nunca apagados
Sus estrellas y su sol.
Tierra de dichas, de sol y de amores,
En tu regazo dulce es vivir;
Es una gloria para tus hijos,
Cuando te ofenden por ti morir.