Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas 1861- 1896

PERSONAL NA TALA SA BUHAY

Tunay na Pangalan: Jose Protacio Mercado Y Alonzo Mga Sagisag- Panulat: P. Jacinto, Dimas- alang, Laong- Laan Araw ng Pagkasilang: Hunyo 19: 1861 Lugar na Sinilangan: Calamba, Laguna Ama: Don Francisco Engracio Rizal Ina: Teodora Morales Alonzo Realonda Mga Kapatid: Paciano, Saturnina, Trinidad, Soledad, Josefa, Narcisa, Lucia, Comcepcion, Olympia. Maybahay: Josephine Bracken Araw ng kamatayan: Disyembre 30, 1896 Lugar kung saan namatay: Bagumbayan ( mas kilalang Luneta o Rizal Park sa ating panahon) Sanhi ng kamatayan: Pinatay sa pamamagitan ng musketry o pagbaril nang patalikod Edad nang namatay: 35

EDUKASYON

Ang inang si Teodora Alonzo ang unang naging guro ni Rizal. Ito ang nagtuturo sa kanya nang pagbabasa ng alpabeto. Siyam na taon siya nang mag- aral sa maliit na paaralan ng Biñan sa pamamahala ni G. Justiniano Cruz.

Dahil sa rami ng nalalaman, pinayuhan ni G. Cruz ang kanyang mga magulang na ipasok siya sa Ateneo de Manila (1872) upang doon ipagpatuloy ang pag aaral. Sa Ateneo ay higit siyang kinakitaan ng kakaibang talino. Marami siyang natamong mga karangalan at mga medalya. Pawang sobresaliente o katumbas ng salitang pinakamataas/pinakamahusay ang kanyang mga nakuhang marka. Nagtapos siya ng Batsilyer en Artes sa Ateneo noong Marso 23, 1877.

Habang nag aaral sa Ateneo ng land surveying at pagiging assessor, isinabay din ni Rizal ang pag-aaral ng kursong Filisofia y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kaya lamang hindi niya ito natapos ay sapagkat pinili niyang lumipat sa kursong medisina nang malaman niyang mabubulag ang ina.

Sa kasamaang palad ay hindi rin natapos ni Rizal ang pag-aaral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang dahilan nito ay ang nakita niyang maling pamamalakad ng mga payle sa naturang eskuwelahan. Mas binigyan pabor ng mga prayle ang mga kaklase niyang Kastila kaysa kanilang mga Pilipino. Nagdesisyon si Rizal na mag- aral sa Espanya, sa Unibersidad Central de Madrid kahit noon ay 21 taon lamang siya. Mag- isa siyang pumunta at namuhay sa Espanya. Taong 1884-1885 ay natapos niya ang kursong Medisina.

Hindi doon natapos ang pagtuklas ni Rizal ng karunungan. Muli ay ipinagpatuloy niya ang pag- aaral sa Paris, sa bansa ng Pansiya at sa Heidelberg sa bansa naman ng Alemanya. Dito niya tinapos ang kanyang pangalawang doctorate degree. Nag aral rin siya ng iba't ibang wika sa Euriopa. Sa edad na 27 ay nakapagsasalita at nakapagsusulat na siya ng maraming wika ng mga bansang Kanluran kaya naman kinilala rin siya sa bilang isang linggwista.

MGA ISINULAT

Matapos ang mga pagtuklas ng kaalaman, itinuon naman ni Jose Rizal ang pansin sa pagsusulat ng mga lathalain, tula at mga kuwentong nagpapakita sa kaapihang dinaranas ng mga Pilipino sa kamay ng mapagmalabis na mga Kastila.

Naging bantog ang mga isinulat niyang mga nobela. Ang Noli Me Tangere, na tumatalakay sa mga pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino ay nalathala sa Berlin sa bansang Alemanya noong 1886. Ang El Filibusterismo ay nalathala sa Ghent, Belgium noong 1891. Tumutuligsa rin ito sa maling pamamalakad at pang-aabuso na dinaranas ng mga Filipino sa kamay ng mga Kastila. Bagay ito na naging dahilan upang higit siyang kamuhian ng mga prayle at pinunong mga Kastila.

Sa kanyang pag-uwi sa bansa, muli siyang pinabalik ng kanyang pamilya sa Europa upang makaiwas sa masamang tangka ng mga Kastial. Labag man sa loob ay napilitan siyang muling lumayo sa mga mahal sa buhay. Nagkaganoon man, higit siyang naging malaya sa pagkilos at paggawa ng mga bagay na magdudulot ng pagbabago sa bansang Pilipinas.

Lalong lumala ang pang- aabuso ng mga kastila sa mga kababayan ni Rizal sa Calamba. Sapiliyang pinagbabayad ng buwis ang mga tao roon. Ang mga hindi makapagbayad ay pianlalayas ng mga ito sa kanilang mga tirahan. Tuluyan ng ring kinakamkam ng mga Kastila ang naiwang mga lupain. Maging ang mga magulang ni Rizal ay hindi nakaligtas sa kasakiman ng mga dayuhan sa kabila nang mahusay na pakikitungo ng ama't ina sa mga ito.

Dahil sa nangyari, lumapit si Rizal sa mataas na pinuno ng Espanya. Nabigo siya dahil puro paimbabaw lang ang ipakitang pakikitungi ng mga ito. Bagama't nagkaganoon ay hindi siya pinanghinaan ng loob. Higit pang nag-umigting ang mithiin niyang ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.

Ang Mi Ultimo Adios o Ang Aking huling Paalam (My Last Farewell) ay isinulat ni Rizal habang siya ay nakapiit sa Fort Santiago sa Maynila.

Nagsulat rin siya ng iba't ibang lathalain na naglalaman ng marubrob na damdamin para sa inang bayan. Nalathala ang mga ito sa diyaryong La Solidaridad.

PULITIKA/SAMAHAN

Naging lider si Rizal ng Kilusang Propagandista ng mga Filipinong estudyante sa bansang Espanya. Sa ilang taong pamamalagi niya sa banyagang lugar, pinilit ni Rizal na umuwi sa bansang noong Hulyo 3, 1892. Lihim niyang itinatatg na ang La Liga Filipina sa layuning mapag- isa ang mga Pilipno para sa baging simulain- ang makalaya sa mapanliit na mga Kastila. Lalong tumindi ang galit ng mga prayle sa kanya. Ipinaakip siya ng mga ito at ipinakulong. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga papeles na hindi naman talaga kanya. Pinalabas ng mga Kastila na kalaban siya ng relihiyong Katoliko. Ang mga naturang papeles ang ginamit na ebidensiya laban sa kanya. Dahil doon, ipinatapon siya sa isang bayan sa Zamboanga, ang Dapitan.

Sa pananatili niya sa Dapitan, nagkaroon ng tagapagligtas ang mga tao sa lugas laban sa mga sakit at karamdaman, sa kamangmangan at lalong lalo na sa pang- aabuso ng mga Kastila. Tinulungan niya ang mga ito. Ginamot niyta ang mga mata may sakit. Nagtayo rin siya ng maliit na paaralan at siya mismo ang naging guro ng mga kabataan. Namuhay siya ng normal. Siya rin ang naging takbuhan ng mga taong nangailangan. Hindi kataka- takang sa loob ng maikling panahon ay napamahal siya sa mga tao at itinuring siyang isa sa mga anak ng Dapitan.

Sa lugar ring iyon nakilala at minahal si Josephine Bracken. Ang babae ay anak ng isang Irish na tumungo pa roon upang ipagamot ang mga mata. Sa kasamaang palad ay hindi nagtagumpay si Rizal na maibalik ang paningin ng ama ni Josephine. Tuluyan itong namatay sa Dapitan. Nagbunga ng isang supling ang pagmamahalan nina Josephine at Rizal ngunit ialang sandali lang nabuhay ang sanggol at kaagad ring namatay paglabas sa sinapupunan. 

Hindi nagtagal, nakaramdam ng pagkabagot si Rizal sa Dapitan. Humingi siya ng pahintulot sa pamahalaang Kastila na payagan siyang magtungo sa Cuba, isa sa mga lugar na nasasakop ng Espanya. Ang layunin niya ay upang manggamot ng mga sundalong Kastila na kasalukuyang napapalaban doon. Pinahintulutan naman siya ng bagong Gobernador Heneral Blanco. Ang mga Taong nagtanim ng galit kay Rizal ay hindi pa rin tumigil hangga't hindi siya maipapapatay. Nagsilbi kasi siyang tinik sa lalamunan ng mga ito. Habang sakay ng barko na patungong Cuba, dinakip si Rizal sa bintang pinag-aalab niya ang lumalalang himagsikan laban sa España. Ipiniit niya sa Fort Santiago sa Intramuros. Habang nasa loob ng kulungan ay hindi rin tumigil sa pagsulat si Rizal. Ipinaalam niya sa mga kababayan na kahit mawala man siya sa mundo ay hindi naman mamamatay ang mga inihasik siya para sa kanyang bayan.

Ika-30 ng Disyembre, 1896 nang matatag na hinarap ni Rizal ang kanyang kamatayn sa Bagumbayan. Humiling siya na kung aari ay barilin siya nang nakaharap. Ibig niyang patunayang kailanman ay hindi siya naging taksil sa Inang Bayan. Tinutulan ito ng namumuno sa pagbaril na nakaharap kaya nang pakawalan ang mga punglo ay buong giting niyang iniharap ang sarili sa mga ito.

Bago nalagutan ng hininga ay nabigkas ni Rizal ang, "Mamamatay akong hindi nasisilayas ang pagsikat ng araw. Kayo na makakakita sa kanya, salubungin ninyo siya at ihatid ang kanyang liwanag sa ibang nasa kadiliman,"

PROPESYON

Manggagamot, manunulat, makata, inhinyero, linggwista, siyentipiko, manlalakbay, iskultor, ekonomista. Edukador at pilantropo. Isa sa mga gintong salita mula kay Rizal: "Ang mga kabataan ang pag asa ng bayan."

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO

Jose P. Santos

Buhay ang pinuhunan n gating mga bayani sa ngalan ng paglaya. Sana’y huwag natin silang biguin sa kanilang mga pangarap.

Sinasabing ang talambuhay ng ating mga bayani ay kasaysayan na rin n gating bansa. Basahin ninyo ang mahalagang pangyayari sa buhay ng dakilang si Dr. Rizal at para na ring nabasa ninyo ang kasaysayan ng Pilipinas.

Sa maraming magiting na bayaning sumilang sa Pilipinas ay si Dr. Jose P. Rizal  lamang ang nakasulat ng mga akdang isinalin sa iba’t ibang wika. Ang kanyang Noli Me Tangere at El Felibusterismo ay di nila kailangang banggitin pagkat ang pagkakahulog nito sa iba’t ibang wika ay alam na ng lahat halos. Ang kanyang Huling Paalam, ayon sa pagsisiyasat na ginawa, ay nagkaroon din ng maraming salin sa iba’t ibang wika: sa Tagalog ay apat, at tig- iisang salin sa mga wikang Greko, Aleman, Pranses, Instik, Hapon, Moro, Bisaya, Ilonggo, Sebwanoo, Pangasinense, Bicolano, dalawa sa kapampangan, at dalawa sa Ilocano.

Sa bawat araw ng sanlinggo ay may mahalagang pangyayaring kaugnay ng kanyang kasaysayang sarili. Araw ng Lunes nang matapos niyang sulatin ang Noli Me Tangere; araw ng Martes nang dumating siya sa Yokohama, Hapon patungong Amerika; araw ng Miyerkules nang siya’y ipinanganak; araw ng Huwebes nang magtungo siya sa Museo Britanico sa Londres, Inglatera, upang pag- aralan ang Historia de Filipinas ni Morga; araw ng Biyernes nang tanggapin niya sa Universidad Central sa Madrid ang katibayan ng pagiging manggagamot; araw ng Sabado nang sulatin niya ang kanyang Huling Paalam, at araw ng Lingo nang dumating siya sa Maynila, buhat Hongkong, upang mula rito ay ipatapon sa Dapitan. Ang araw ng Miyerkules ay napatangi sa lahat ng araw: Miyerkulas nang siya’y ipinanganak., Miyerkules nang siya’y barilin at Miyerkules din nang ipinanganak ang kanyang ina.

Sa bawat isa sa labindalawang buwang bumubuo sa isang taon ay may isa ring mahalagang pangyayari sa kanyang buhay na dapat mapatala sa kasaysayan. Buwan ng Enero nang tumulak siya sa Madrid patungong Pransiya; buwan ng Pebrero nang matapos niyang sulatin ang Noli Me Tangere; buwan ng Marso nang tanggapin niya ang katibayan ng pagka- batsilyer sa sining o bachiller en artes sa Ateneo Municipal de Manila; buwan ng Abril nang tumanggap siya ng gantimpala sa Liceo Artistico Literario dahil sa kanyang akdang El Concejo de los Dioces; buwan ng Mayo nang umalis siya sa Maynila patungong Europa  upang tumuklas pa ng iba’t ibang karunungan; buwan ng Hunyo nang siya’y ipanganak; buwan ng Hulyo nang tumulak sya ng Maynila patungong Dapitan na pinagtapunan sa kanya; buwan ng Agosto nang maglakbay siya sa Espanya mula sa Dapitan; buwang ng Septyembre nang mag- aral siya sa barcelona; buwan Oktubre nang piitin siya sa Kastilyo ng Montjuich, Barcelona, Espanya; buwan ng Nobyembre nang magsimula siya ng pag- aaral sa Madrid, Espanya; buwan ng Disyembre nang siya’y barilin sa Luneta. Kabilang din sa mahahalagang pangyayari  sa kabuhayan ni Dr. Jose Rizal itong sumuusunod: ika-19 ng Hunyo ng siya’y  ipanganak at ika- 19 na ng Hunyo nang siya ay makatapos ng pag- aaral ng pagkamanggagamot sa Unibersidad Central de Madrid. Itong sumusunod ay sya naming mahalagang tala sa kanyang buhay.

Ipinanganak siya sa bayan ng Kalamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo ng 1861. Siya ang ikapitong anak ng mag- asawang Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo Quintos.

Bininyagan siya noong ika-22 ng Hunyo ng taon ding yaon.

Noong 1870 ay nagsimula siya ng pagaaral sa Binyang, sa paaraalang pinamamahalaan ni Ginoong Justiniano G. Cruz. Noong 1871 ay nasok sa isang paaralan sa Kalamba na pinamamahalaan naman ni G. Lucas Padua.

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO

*DAKILANG BAYANI NG BANSANG PILIPINAS*

Isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Kalamba, Laguna. Nagsimulang nag-aaral sa Binan at nagpatuloy sa Maynila at sa bansang Europa. Mga Wika na kanyang nalalaman, Pilipino, Engles, Kastila, Aleman, Pranses, Italyano, Portuges, Olandes, Latin, Griyego, Arabe, Nippongo, at marami pa.
Siya ay nagging Anthropologist, Botanist, Businessman, Cartographer, Dramatist, Economist, Educator, Engineer, Essayist, Entomologist, Ethnologist, Farmer, Folklorist, Geographer, Grammarian, Historian, Horticulturist, Humorist, Lexicographer, Linguist, Musician, Novelist, Psychologist, Satirist, Sculptur, Sportsman, Sociologist, Surveyor, Traveler, at Zoologist.
Itinuturing na pinakadakilang Pilipinong nabuhay, si Rizal ay nagging bayaning kinikilala sa daigdig dahil sa kanyang panunulat, sa Kastila, unang-una. Subalit ang unang wikang ginamit ni Rizal sa pagpapahayag ng kaisipang maliwanag na makabansa agad-agad ay ang wika niyang sarili.
Isinilang sa isang pamilyang nakaririwasa si Rizal ay nag-aral sa Ateneo at sa Universidad ng  Santo Tomas sa Maynila at saka nagpatuloy ng pag-aaral sa Espanya. Tapos ng medisina, aiya’y napabantog sa ibat ibang larangan, gaya ng pagkatha at paglilok at pagsasalita ng ibat-ibang wika. Subalit ang pinakarurok ng kanyang buhay ay naganap nang mapasangkot siya sa kilusang propaganda – isang kilusan ng mga matatalinong Pilipinong nagsikap na magtamo ng mga pagbabago sa pamamahal ng Kastila sa pilipinas tungo sa ikapagkakamit ng mga kalayaang sibil ng mga katutubo. Ang pagkakasangkot niya ay naganap sa pamamagitan ng pagsulat – sa kastila, at pinakamaapoy na katha niya ay ang dalawang nobela, ang NOLI ME TANGERE (1887) at ang EL FILIBUSTERISMO (1891) na nagbunyag sa daigdig sa ginagawa ng mga mananakop sa Pilipinas sa kanyang panahon. Ang ganyang papel niya ay naghatid s kanya sa kamatayan, sa harap ng isang iskwadron sa Bagumbayan, sa Luneta, noong Disyembre 31, 1896.
Ang nasyonalismo ay maagang ipinakita ni Rizal, sa katunayan, sa kanyang unang tula pa lamang, sa tulang inialay niya “sa aking mga kababata”, na nagpakilala ng pagmamahal niya sa sariling wika. Ang ikalawa’t huling nakilalang tula niya sa Tagalog ay may diwang makabansa rin, ang kanyang “Kundiman”  ay nagpakilala ng mataos niyang pananalig sa lakas at kakayahan ng kanyang mga kababayan.  
    

http://pilipinaskongminamahal.blogspot.com “Unang Pilipino na nakagawa ng Kanyon”

Noong 1488, sa isa sa mga mahanging pulo sa Sulu, may isang batang lalaki na isinilang ng maybahay ng isang mandirigmang Muslim. Ang batang tinawag na si Pira ay lumaki sa lilim ng makulay na mga tahanang nakaluklok sa mga haligi sa mababaw na pampang ng maliit na lawa. Ang tahimik na kabuhayan sa nayon ay nakabalisa sa kanya. Malimit siyang magpalipas ng mga oras na nag-iisa at baghahagis ng nga bata ssa dagat-dagatan. Siya’y mahusay pumintirya, at malilmit niyang mapatamaan ng mmga bato ang mga isda at palos na nagpupumiglas lumayo. Naisip niya, kung anga mga bato ay magaan, lalong malayo ang maaabot.
Noong 1508,ay nabuo na anga kanyang balak na gumamit ng puwersa ng hangin sa pagbubuga ng balang yari sa maagang na metal. Siya’y nagtayo ng pandayan ng kanyong sa hilagang pampang ng Ilog Pasig, sa dako ng ngayon ay tinatawag  na San Nicolas. Ilang kanyon ang nayari dito sa pagtatanggol sa maynila laban sa malimit na pananalakay ng mga piratang  nanggagaling sa mga dagat sa timog. Noong galugarin nina Kapitan Martin de Goiti at Juan de SAlcedo  ang Timog noong Mayio 1565,sila’y nabigla nang sila’y salubunging ng putukan ng labindalawang kanyon na gawa ni Panday Puira. Samantalang ang mga manlulusob ay sumasadsad sa bunganga ng Ilog Pasig, ang artileryang ito ng mga tagarito ay nakukubli sa likuran ng mga nilalang uway at kawayn na dinadala ng mga posting kahoy na kung tawagin ay kuta. Ang mga putok na pinasabog nila ay ikinamangha ng mga sumasadsad. Dahil sa kahinaang klase ng pulburang kanilang ginamit, ang mga taga Maynila ay natalo sa artilerya na tumagal nang ilang oras. Ang mg akanyon ay sinamsam nina de Goiti at de Salcedo at inihandog ang mga it okay Legaspi, bilang tropyo sa digmaan. Ang mga kanyong ito ay masusing ipinasuri ni Legaspi sa hangad na gamitin ng mga Kastila. Ang mga Kanyon ay napatunayang mayibay. Hindi nagkalamat kahit paputukin at kahit maraming pulbura ang agamitin. Kinikilalal ni Legaspi na ang mga kanyon ni Panday Pira ay lalong matibay kaysa mga kanyong nasa kanyang mga bapor.
Pagkatapos na ang Maynila ay pormnal na masakop ni Legaspi noong  1571, hananp niya si Panday Pira dahil sa kanyang mahalagang karunungan. Subalit hindi matagpuan ang mangagawang kanyon.Pagkalipas ng labanan sa MAynila noong 1565, si Panday Pira ay tumakbo sa Bulakan. Buhat doon, siya’y tumungo sa Pampanga at nanirahan sa ngayon ay tinatawag na Apalit. Doon siya’y nagtayo ng isang pandayan at nanggawa ng kauna-unahang araro at lipya. Gumamit si Pira ng luad sa pangagawa ngmga kasangkapang ito.
Namatay si Panday Pira noong 1576 sa gulang na 88. Malaking kawalan sa mga Kastila ang pagkamatay ni PAnday Pira. Ipinabatid ng mga sa p;inuno nila sa Espanya aat humihingi ng kapalit ni Panday Pira . Dinakila ng mga Kastila ang Kadakilaan ng isang Pilipino.
Bilang pag-alaala sa unang Pilipino na nakagawa ng kanyon isang lansangan sa Tondo Maynila ang isinunod sa kanyang pangalan....

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO

Reyna Sima*KATARUNGAN AT RESPETO SA BATAS ANG KANYANG KADAKILAAN*

Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating kapuluan. Nakilala siya katapatan at sa mahigpit, dahil sa katalinuhan at maayos na pamamalakad sa panunungkulan.

Ang Kutang-Bato ay siya ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.

Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik mga taga Kutang-Bato. Ang mga batas is ipinasunoded by mahigpit niyang at ang sinumang lumalabag sa ipinag -uutos ng Reyna ay pinarurusahan.

Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng kanyang mga tauhan.

Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato. Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa katapatan ng. Walang kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-Bato.

Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ng Reyna Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kanyang nasasakupan upang sa ganito ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto.

Mula noon ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO

Siya ay anak ni Raha Soliman ng Maynila. Isang matapang na pinuno noong kapanahunan niya. Lumaban siya sa mga kastila dahil sa hindi pagsunod sa kasunduan na pangkat na mga Pilipino at ng mga kastila. Ibinitay siya ng mga dayuhang kastila. nawalan ng matapang na pinuno ang mga Pilipino sa Maynila.
Purmassuri *MATAPANG NA PRINSESA NG SULU*

Nagtataglay siya ng mabuting kalooban, dagdag katangian pa niya ang pagiging matapang at buo ang loob. Walang lalake ang hindi nabibihag ng kanyang ganda. Tila nagagayuma ang bawat lalaking makakita sa kanya.

Noong panahon ay naging malaking problema ng mga moro ang mga dayuhang kastila. Likas na maibigin sa kalayaan ang mga moro, ayaw nilang pasakop kaya gusto nilang palayasin ang mga dayuhang puti.

Nagsanib na ang puwersa ng mga kawal ni Siri Kala at ni Sigalo, nagbalak silang lusubin ang mga Kastila subalit nag-aalangan pa rin sila. Alam nilang wala mga makabagong sandata na gamit ng mga kastila. Maliit ang tsansang manalo sila.

Sa pagkakataong iyon ay ginamit ni Purmassuri ang kanyang kakayahan. Nakipag-ugnayan muna siya sa mga mrong mandirigma bago nagsadya sa kuwartel ng mga sundalong Kastila. Sadyang pinaghandaan niya ang pagkakataong iyon. At tulad ng kanyang inaasahan nabighani sa kanyang kagandahan ang mga kawal na Kastila. Nilibang niya ng husto ang mga ito.

Sinamantala ng mga morong mandirigma ang magandang pagkakataon, sinalakay nila ang kuwartel ng mga sundalong Kastila. Sandaling labanan lamang ang naganap mga kawal na puti.

Pinatunayan ng kuwento ni Purmassuri na ang mga babaing Pilipina ay handa ring magpakasakit alang-alang sa ikalalaya ng kanyang lupang sinilangan.

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO

*NAGING TAGAPAYO TUNGKOL SA BATAS
TUMULONG SA PAGPAPALAGANAP NG "LA LIGA PILIPINA"*


Siya'y ipinanganak sa Tondo, Maynila, noong ika 22 ng Agosto, 1861. Namatay siya noong Setyembre 18, 1939.
*PINAKAMATAPANG NA NAGING HARI NG MAYNILA*

Siya ang pinakahuling naging hari ng Maynila, pamangkin siya ni RAHA LAKANDULA. Naging mahigpit na kalaban ng mga kastila at itinuturing na pinakamatapang na hari na nakalaban ng mga kastila.
Dahil sa minimithing kapayapan para sa mga kababayang Pilipino nakipagsundo siya kay MARTIN DE GOITI, isang kastila. Satulong ni Raha Lakandula na kanyang tiyuhin. Hindi tumupad sa kasunduan ng mga dayuhang Kastila, muli nilang nilaspatangan ang mga Pilipino. Umalsa at nakipaglaban sa Raha Soliman at mga kasama. Dahil sa magagaling na armas ng mga kalaban natalo at napatay si Raha Soliman noong Hunyo 3, 1571 sa Bangkusay, Tondo, Maynila.
Isang Pilipino na nakipaglaban para sa katahimikan at kapayapaan ng mga kababayan ngunit higit na naghari ang mga dayuhang mapagmalabis sa mga kagaya nating Pilipino.
*MARTIR AT BAYANI NG LAHING PILIPINO*

Ipinanganaksa san Fernando, Pampanga, noong ika 19 ng Pebrero 1886. Nagtamo ng Master of Laws sa George Washington University. Nag-aral; din siya sa mga paaralang Sta. Clara sa California, sa Unibersidad ng Illinois at sa North Western University. Siya'y naging kalihim ng katarungan, naging pangulo sa misyon ng Edukasyon na naglakbay sa Estados Unidos noong 1926. Naging mahistrado sa kataastaasang Hukuman noong 1931. Ibinalik muli ng Pangulong Quezon sa pagka-kalihim ng katarungan noong Disyembre 24, 1941. Sumama siya sa pangulong Quezon sa Korehidor kasama sina Osmena at Roxas. Pinamili siya ng Pangulo kung lilikas siya sa Australia o mananatili sa Pilipinas. Pinili niya ang manatili at gampanan na lamang ang pagiging kalihim ng katarungan, Pananalapi, Pangangalakal at Pagsasaka. Mula sa Correjidor siya at kanyang anak ay nagpunta sa Iloilo at Negros, kailangan niyang magpapalipat-lipat upang hindi mahuli ng mga Hapones. Habang nagpapalipat-lipat si Jose Abad Santos at si Pangulong Quezon ay nagtungo sa Amerika at inihabilin sa kanya ang Pamamahala sa Pilipinas. Noong ika-11 ng Abril ng taong 1942 ay nahuli siya at si Junior ang kanyang anak sa Carcar Cebu ng mga kaaway. Inutusan siya ng mga Hapones na KUmbinsihin na sumuko si Heneral Manuel A. Roxas ngunit tumanggi siya. Sa galit ng mga Hapones dinala siya at si Junior sa Mindanao. Doon siya binaril at namatay noong Mayo 11, 1942. Sinabi ng Pangulong Quezon, sa ganang akin si Jose Abad Santos ay isa sa lolong marangal, malinis at karapatdapat at may kakakyahan na maglingkod sa pamahalaang Pilipinas. Isang Bayani at isang Martir ng lahing Pilipino..
*DAKILANG MAHISTRADO*

Isinilang sa Udlong Bataan noong Marso 2, 1847. Siya ay nagsimulang mag-aral sa gulang na limang taon. Nag-aral siya sa kolehiyo ng San JUan de Letran at sa Universidad ng Santo Tomas.
 Noong 1862 ay nakatapos siya ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at noong 1867 ay sa Teolohiya. Noong 1876 ay nakatapossiya bilang isang manananggol.
Siya ay nagong mabuting guro sa batas at naging magaling na manananggol at ang marami sa kaniyang mga tinuruan tulad nina Osmena, Quezon, Ortigas, Palma, Delos Santos, Sumulong, Orense at marami pang naging kilala sa ating bansa.
Noong 1886 ay anahirang siyang "Mahistrado Suplente" at noong 1893 siya ay naging kagawad sa "Asemblea Provincial" siya rin ang namahala sa pagsulat ng mga patakaran ng nasabing ahensiya ng pamahalaan. Naging "Mahistrado Suplente De La Audencia Territorial De Manila".
Noong 1897 siya ay naging konsehal ng Maynila at noong 1898 nahalal siya bilang pangulo ng katas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Noong panahaon ng himagsikan siya ay naging Kalihim Panlabas.
Noong 1915 siya ay pinagkalooban ng titulong LI.D ng Pamantasan ng Pilipinas at ng Pamantasan ng Yale. Bukod sa pagiging mahusay na manananggol siya ay may mabuting kalooban at may takot sa Dios. Si Don Cayetano Arellano ay namatay noong Disyembre 23, 1920.

Trinidadtecson Kilala sa tawag na Ina ng Biak na Bato si Trinidad Tecson.

Bulacan noong Nobyembre 18, ipinanganak siya sa San Miguel, 1848. Isa siya sa labing-anim na anak nina Rafael Tecson at Monica Perez.

Natutuhan niya ang sining ng pagbasa at pagsulat mula sa.

Di tulad ng ibang dalagita na bihasa sa pananahi si Trining o Idad ay tuwang-tuwang nagpaturo ng sining ng eskrima.

Para kay Idad, dapat matutuhan ng kalalakihan at kababaihan ang paghawak sa. Ayon sa kaniya, magagamit ang sandata sa oras ng kagipitan upang ipagtanggol ang sariling karapatan.

Bata pa ay kinakitaan na ng tapang si Trining. Isang gabing may nangahas na pumanhik sa kanilang tahanan ay patakbo niya. Duguang bumaba ng bintana ang pangahas at kakawagkawag na sumisigaw na hindi na raw siya uulit sa katampalasanan.

Pinapunta ng nabigo ang mga tauhan. Pilit nilang hinanapan si Idad ng mga puslit na tabako. Sa galit ng dalaga ay iwinasiwas nito ang matalim na itak at itinaboy ang mga bastos. Matapang si Trinidad sa lahat ng pagkakataon. Wala . Lagi at lagi -aalipin kung walang magpapaalipin.

Marami ang nag-akalang hindi na mag-aasawa pa si Trinidad. Ang tila lalaking mga gawi nito ay ikinatatakot ng maraming gusto sanang manligaw. Pero may isang mapangahas na nagtagumpay. Disinwebe anyos nang si Trinidad that is magpakasal. Malungkot isiping dalawang anak niya na pinangalanan niyang Sinforoso at Desiderio ang kapwa.

Kwarenta'y syete anyos na si Trinidad nang sumali sa Katipunan. Bihasa na siya sa mga nasyonalismong ipinakikipaglaban ng samahan sapagkat isa siyang mason. Kakaiba talaga si Idad. Siya lamang ang katipunerang pumayag na ipirma ang sariling dugo sa dokumento ng panunumpa.

Walang bakas ng sa mga kilos that are pangamba ni Trining bilang katipunera. Ito ang dahilan kaya siya isinasama sa aktuwal na labanang kung saan ang buhay niya ay nabibingit sa kamatayan.

Nagpakita rin siya ng tapang sa pamumuno ni Heneral Isidoro Torres sa Bulacan, tunggalian sa San Rafael.

Kapag hindi nakikipaglaban ay nasa pagaalaga siya ng mga kasamahang nasugatan.

Ang digmaan ay nakapagpaalala kay Trining sa pagpapakasakit ng maraming katipunero at katipunerang nakibahagi sa ikalalaya ng bansa.

Sa mga labanan, inialay ni Trinidad Tecson ang kaniyang tapang alang-alang sa bayan.

Ochenta anyos nang mamatay si Trinidad Tecson noong Enero 28, 1928.

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO

*DAKILANG PINUNO NG MGA ILOKANO SA PANGASINAN*

Ipinanganak sa Aliaga, Nueva Ecija noong ika-17 ng Hunyo, 1877. Siya'y naging kasapi sa katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio (1896). Siya ay isa sa pinaghahanap ng mga kastila. nagtago siya sa kabundukan hanggang noong Enero 14, 1897.
Pagkaraan ng mahabang  panahon sa pagtatago, nagtatag siya ng isang maliit na hukbo na binubuo ng mahigpit na tatlong daan katao. Namalagi silasa Biak-na-Bato. Nahirang siya bilang  Heneral ng Brigada. Naging pinuno siya sa mga nakipagbaka sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at Pangasinan.
Nagtatag siya ng pamahalaang sibil sa Pangasinan. Naging pinuno rin siya sa mga manghihimagsik na sumalakay sa mga lalawigan ng Ilokos. Nahalal din siya bilang kamandanting Heneral sa Hilagang Luson. Ang pangkay ni Heneral Tinio ang ang nagpahirap sa hukbo ni Heneral Bell hanggang sa siya'y napilitang sumuko noong Mayo 8, 1901. Pinatunayan din ni Heneral Bell ang katangan ni Heneral Tinio at ang kagitingan nito sa pakikipaglaban.
Noong Hunyo 17, 1907, siya ay nahirang na Gubernador ng Nueva Ecija at noong Hulyo 1, 1909 ay nahirang siyang Tagapamahala ng kawanihan ng Paggawa. Pagkaraan ng isang taon sa tungkulin siya ay nabitiw at bumalik sa pagpapasaka sa kanyang mga lupain. Namatay siya noong Pebrero 22, 1924. 
*UTAK NG HIMAGSIKANG PILIPINO*
*TAGAPAYO NG REBULUSYONARYO*

Si Apolinario Mabini ay isinilang noong ika-22 ng Hulyo, 1864 sa nayon ng Talyan, Tanawan, Batngas. Siya ay galing sa mahirap na pamilya.
Bagama'tanak mahirap, siya ay nagsikap na makapag-aral sa pagtataguyod ng kanyang mga magulang. Nakapasok siya sa San Juan de Letran mula roon natapos niya ang Pagka - " Bachiller en Artes" at Professor en Latin."
Maraming siyang dinanas na hirap bago nakapagtapos ng pagka-abogado. Dumating anghimagsikan. Palibha'y makabayan siya'y sumapi sa kilusanpara sa Inang Bayan,
Naging tagapayo siya ng pamahalaan ng Himagsikan. Siya ang naatasan na gumawa ng mga kautusan at pahayag ng pamahalan. Siya rin ang may akda ng Propaganda Constitucional de la Republica Filipina.
Noong 1899 nabihag siya ng mga Amerikano, lumipas ang ilang taon siya ay muling pinalaya. Dito nagsimula ang kanyang karamdaman at siya ay naging paralitiko. Dahil sa siya ay makabayan kasama siya sa mga ipintapon sa Guam USA.
Nakipagsundo siya sa kapangyarihan ng mga Amerikano noong 1902, Muli siyang nakabalik sa Maynila noong Pebrero 26, 1903, para makipag-tulungan sa mga Amerikano para malutas ang mga suliranin ng bayan. NAGKASAKIT SIYA NG KOLERA AT SIYA AY NAMATAY NOONG MAYO 13, 1903 NA PUSPOS NG KADAKILAAN ANG ADHIKAIN PARA SA INANG BAYAN.
(1664-septembre 10, 1748)

Nag- organisa ng beaterio de la Campania de jesus. Isang organisasyon para  sa mga kababaihan.
*pinuno ng liping maguindanao*
 Si Sultan Kudarat ay kinikilalalng dakila at magiting na pinuno ng liping maguindanao noong 1619 hanggang 1971. Nanantiling Malaya ang mga pilipinong muslim sa pananakop ng mga kastila noong panahong 1619_1671. Napag-isa ni sultan kudarat ang watak-watak na pangkat ng liping maguindanao. Sa loob ng tatlong siglo, lumaban ang mga Pilipino- muslim sa mga kastila sa pamumuno ng isang matapang at matalinong si sultan kudarat. Hindi napasuko ng mga kastila si Sultan Kudarat hanggang sa namatay ito noong 1672.

Jose palmaOn June 3, 1876, Jose Palma, famous poet who wrote the lyrics of the Philippine national anthem, was born in Tondo, Manila. He was the youngest child of Don Hermogenes Palma and Hilaria Velasquez. Palma continued his studies at the Ateneo Municipal after he concluded his primera. It was while in Ateneo when he started composing verses. Their relationship, however, was cut short by the girl's parents who didn't approve of him.

Palma busied himself with his literary interests. In 1894, when the revolution broke out he joined the Katipunan but didn't join his comrades in the battlefield,.

Since he couldn't physically cope up with the difficulties of war, he often stayed in camps and amused the soldiers. He joined the staff of the Tagalog section of the radical newspaper, La Independencia. This provided him to fire his patriotic sentiments and wage battle against the Americans in a way that he was not able to do in the battleground.

Palma and his co-workers in the paper frequently amused themselves with songs and poems while resting in camps or other places during their marches from the pursuing American forces. It was during one of their breaks in Bautista, Pangasinan when Palma's poetic spirit created the poem "Filipinas" that fitted the music of the "Marcha Nacional Filipina" of Julian Felipe.

 

FILIPINAS (Letra para la Marcha Nacional)

I

Tierra adorada Hija del sol de Oriente Su fuego ardiente En ti latiendo esta, !Patria de amores! Del heroismo cuna, Los invasores No te hallaran jamas

II

En tu azul cielo, en tus Auras En tus montes y en tu mar Esplende y late el poema De tu amada libertad. Tu pabellon, que en las lides La Victoria ilumino, No vera nunca apagados Sus estrellas y su sol

III

Tierra de dichas, del sol y de amores, En tu regazo dulce es vivir. Es una Gloria para tus hijos, Cuando te ofenden, por ti morrir.

In late 1899, the radical press was eventually gained by American forces. Left to do, his brother and Jose Palma, Rafael, who was a staff of the La Independencia, returned to Manila. They and Juan Abad collaborated in setting up another paper Laong Laan, which, nevertheless, failed to continue long after American authorities detained Jose Palma and found some of its contents subversive.

On September 3, 1901, El Renacimiento was created with Rafael Palma as editor and encouraged Jose Palma to write a column for the newspaper. The columns were written Vida Manileñan under the pen name Esteban Estebañez and Cuartilla Licerarias by Jose Palma. Palma used other pen names for his poems and short stories that appeared in publications including La Moda Filipina, El Comercio, La Patria, La Union and Revista Catolica like Gan Hantik and Ana Haw. Among Palma's poems

Kundiman (1898), De mi jardin (1900), En la hamaca (1900). To honor him, his brothers, Manuel and Rafael Palma and his pal and fellow acclaimed poet, Cecilio Apostol, released a group of his poems under the name Melancolicas in 1912 from 1893 to 1901.

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO


*PUNO NG REBULASYONG BOHOLANO*
(tagapagpalaya ng bohol)



             Si francisco dagohoy ay  lumaban sa mga kastila noong himagsikan. Isang malungkot na pangyayari ang nagtulak  kay dagohoy para magtatag ng isang hukbong pilipino para maipalaban ang  mga katutubong karapatan.
             Isang sundalo nhg hukbong kastila ang kapatid ni francisco dagohoy, napatay ito ng mga rebelde sa kabundukan. Dinala ng kasamahang sundalo ang bangkay sa simbahan ngunit tinanggihan ito ng mga paring prayle at ayaw bendisyunan.nakiusap pa rin si dagohoy sa mga pari subalit talagang ayaw ng mga prayle. Siys’y umiwi na lamang at inilibingang mga namamaho nang bangkay. Magmula noon, s dagohoy ay namundok kasama ang mhga kababayan na hindi na rin makatiis sa pang-aapi ng mga kastila. Nagtatatg sila ng kilusan laban sa mga kastyila. Nagkaisa silang mga boholano. Gumawa sila ng ibant ibang sandatang pandigma at nagsanay sila sa pakikipaglaban. Nagtagumpay ang grupo ni dagohoy at naitaboy nila ang mga kastila sa bohol. Gumawa ng ibat ibang paraan ang mga kastila upang mabawi ang pulo ng bohol ngunit matibay ang paninindigan ng mga boholano at hindi nila ito nakuha muli. Namuhay sila ng tahimik at anagtayo ng mga barangay at laging handa sa mga kalabang kastila. Hindi malinaw ang ulat sa pagkamatay ng magiting na si dagohoy subalit kahit wala na si dagohoy tuloy pa rin sa pagkakaisa  ang mga taga bohol.
(1835-1872)
*paring martir*

isinilang noong agosto 14, 1835. siya'y nagtappos sa colegio de san juan de letran at sa pamantasan ng santo tomas. hindi siya naging aktibo sa mga kilusan ng mga kasamaa niyang pari ngunit kas kasama siya nina padre gomez ata padre burgos. naglilingkod siya sa pasig, rizal bilang kura paroko. nang maganap ang himagsikan sa cavite, siya ay nasa marikina at kasama siyang dinakip ng mga kastila at sila ay hinatulang bitayin.
( Abril 4, 1863-hulyo 6, 1908  )
Ama ng saligang batas ng malolos

 Siya ay isinilang sa asanta cruz de malabon (ngayon ay tanza) sa kabite noong abril 4, 1863. ang kanyangmga magulang ay sina jose calderon at manuela roca. nag-aral siya ssa ateneo de manila, pagkaraan ay pumasok naman siya sa unibersidad ng santo tomas. nagtapos siya noong marso 1893 ng kurso sa licentrate in jurisprudence dahil sa katanyagan sa pagkakaroon ng mga kaisipangmakabansa. kabilang siya sa mga bayaning naaresto sa " sigaw ng balintawak" at ikinulong sa fort bonifacio. pinalaya siya pagkatapos na barilin ng mga kastila si dr. jose rizal. nang  mabalitatan  niyang nagb alik sa kabite si heneral aguinaldo kagyat na pinuntahan niya itoat inialok ang kangyang paglilingkod. siya ang sumulat ng panukalang saligang batas sa kongreso sa malolos na ipinagtibay ng mga delegado. ang saligang batas ay siyang kaunaunahan sa pilipinas, kung kaya't tinawag siyang "ama ng Malolos konstitusyon". siya ay namatay sa gulang na 45 noong Hulyo 6, 1908.
national heroes, national hero of the philippines, national heroes day philippines 2015, national hero, national heroes of the philippines, national heroes day philippines, national heroes day,salawikain halimbawa, salawikain tungkol sa wika, salawikain, salawikain examples, salawikain at kahulugan, salawikain sawikain at kasabihan, salawikain filipino, bugtong, bugtong pinoy,bugtong examples