Lumubog ang araw nang may hinanakit,
Sa pangit na mukha ng sawing daigdig;
Ang buti ay lugmok, sama'y nakatindig,
Pumapaibabaw ang tubig sa langis;

Ang banal na landas ay takot matawid,
Liku-likong daan ay nagiging tuwid;
Matapos mamangka sa ilog na lihis,
Ang dinatnang pampang ay nagpapagibik!

Kumalat ang dilim… dumapo ang ibon
Sa sangang- kalansay ng patay na kahoy;
Pumatak ang hamog sa pigtal na dahon,
Umagos ang luha ng isang kahapon;

Ang mga kuliglig, nadama ay gutom,
Ang inihuhuni ay dakilang layon;
Ang tigang na lupa ay kusang naburol,
Mapanglaw na gabi ang naging kabaong.

Isang baguntao ang sa paglalakd
Ay lilinga- linga, larawan ng sindak;
Matapos marating ang dulo ng landas,
Hindi matandaan ang iniwang bakas;

Nang umalis siya ay nagsusumagsag,
Ngayong pabalik na ay nag-aapuhap;
Nagmistulang ibong sa tayog ng lipad,
Nabali ang bagwis… sa lupa bumagsak.

Ngayon nag- iisa sa ilang na pook,
Ang idinidighay ay sama ng loob,
Humimlay sa puno ang katawang pagod,
Ang nagsilbing unan ay mga himutok;

Taglay ng umaga ang tuwa at lugod,
Nanngangalumbaba ang gabing sumunod;
Ang taong nalayo sa Kamay ng Diyos.
Naririto ngayon, nagsisising lubos.

 

 

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO


Si Rizal ay sino?
Hayaang ako rin ang tumugon dito:
Si Rizal ay isang karaniwang tao,
Nilalang kayumangggi ng lahing pinoy;
Pagkat manunubos siya ng paglaya nating Pilipino.

Nang kanyang igugol sa tigang na lupa nitong Bagumbayan
Ang mapulang dugo ng kabayanihan
Ay ngiting matamis yaong namulaklak
Sa labi ni Rizal.
Sa kanyang pagyao'y kanyang nalalamang
Siya'y nag-iiwan ng matabang binhi sa dibdib ng bayan;
Ng magsisisunod na sa ating lupa ay manunukulan.

Kung buhay si Rizal ay ano nga kaya ang kanyang gagawin
Sa nagpamalas na kapansin- pansin
Na gawa ng ilang kababayan natin?
Katulad ni Kristo'y kanyang itataboy at palalayasin
Sa templo ng bayan ang nagpapayaman sa mga tungkulin;
Sa talim ng kanyang tabak na panulat, kanyang wawasakin
Ang tronong lulukan ng ganid at sakim,
Nang di na magamit ang kapangyarihang
Busalan ang bibig ng malayang bayan
Upang di malantad ang katotohanan
Na ikinukubli sa likod ng mga masamang walang ngalan.

Hahambalusin din ng kanyang panitik
Ang nangakalimot sa pangakong langit,
Yaong sa simula, nang kandidato pang nangagsisilapit,
Ay parang binata sa harap ng kanyang mutyang iniibig.
Ngunit nang matami
Ang tamis ng oo
At sampu ng boto
Ay nagsalawahang iniwang tumangis
Bayang sa kanila'y nagyiwalang labis.

Kung buhay si Rizal di mapipigil
Ang dalo'y ng kanyang damdami't panulat;
Katulad ng agos na nagtutumulin
Ay di masasarhang tumugppa sa dagat;
Sapagkat si Rizal
Di paris ilan
Na maari mong bilhin at suhulan,
Di tulad ng iba na mabubuhay lamang
Kahit na lustayin ang pera ng bayan.

Kay Rizal ang bayan ay higit sa lahat
Higit sa salaping bulang nababasag;
Kung buhay ni Rizal at ito ang bayang kanyang namamalas…
Madilim at sakmal ng itim na ulap,
Ay pamuli niyang iaalay pa rin
Ang buhay na angkin
Upang sa Silanga'y bumating pamuli
Ang isang umaga na magandang- maganda at may gintong sinag.

Pagdaloy ng isip
Kahawig ay batis
Malinaw, malinis.
Ngunit pagkaminsan,
Labo, malagaslas,
Dagling lumilisan
Sa patutunguhan.
May panahon naman,
Mabagal, matining,

Tubig na malalim.
At may panahon rin,
Tuwa, umiiktad
Sa mga batuhan.
Batis na malinis
Layang walang hanggan
Walang katapusan



Ang buhay ng tao sa mundo ay ganito:

Ngayong: munting ibong ang pinapangarap
Mamugad sa lundo ng bughaw na ulap;

Sa kinabukasan; isa nang bulaklak
Sa dulo ng sangang bagong kabubukad:

Ngunit… sa ikatlong
Araw ng pagbangon.
Bagyo'y dumarating- ang bagyo ng Palad
At lilisanin kang yagit na kumalat.

Ilawang binagyo't nawalan ng ningas:
Minsan… akont ito'y
AT naging ibon pa, at naging bituin
Na kinasilawan ng libong paningin;
Naging araw ako sa lubhang maningning
At naging awit pang sa madla'y umaliw…

Subali… nang ako
Ay datnan ng Bagyo…
Nang mawalang lahat ang hiyas kong angkin:

Sa pakpak- ang kulay; sa awit- taginting:
Sa bagwis- ang lakas;
Sa bitui'y kislap,
Sa aki'y wala nang pagsuyo't panimdim
Na ibig mag- ukol ng awa't pagtingin.

Ibog kong marating ang abot ng tanaw,
Ibig kong maabot ang langit ng bughaw,
Lupang malalawak sana ay malakbay,
Dagat na malalimay mapaglanguyan…

Ang nais ko'y aking mapagbigyang lahat
Ang may pitang ako'y magdulot ang hangad
Ang makalinga ko ang kawawang anak…

Datapwa… datapwa, langit na marikit!
Pag ako'y lilipad sa may himpapawid,
Ay may pumapana sa pakpak ko't bagwis,
Sadyang pinipigil ako't ginigipit…

Ang buhay ng tao ay talagang ganyan:
Kung dadakila ka, ang inggiting kamay
Ay nasa likod mo't may batong pamatay
Kung nasasawi ka ay pagtatawanan…!

Sa bundok at parang ay lubahang madawag
Sadyang manganganib ang nagsisilakad,
subali't sa bayang masaya't magilas,
Ang salarin ay lalong marami't laganap…

Kung sa paglusong mo sa ilu-ilugan
Ay nadudulas ka sa lumot ng pampang,
Sa dagat pa kayang pating ay makapal,
Hindi mapalungi ang buhay na taglay?

Ang iyong libinga'y ibog kong dalawin,
Ngunit ang puntod mo'y saan hahanapin?
Nang ikaw'y tumayo; daming nakapansin,
Datapwa't nang mabuwal sa laot ng dilim
Walang nakakita hanggang sa malibing
Kundi ang nagluksang anino mo na rin.

Sa aba mong puntod nais kong manalangin,
Nguni't ang libing ma'y nasaan, nasaan?
Nang ikaw'y tumugon sa tawag ng bayan,
Dami mong kasamang sumugod sa parang;
nguni't nang matirik ang bandilang tangan,
Sino ang sa iyo's nakaala-ala man lamang?

Sa bango ng aming bulaklak na handog,
Yaring alaala'y hayaang ikintal
Sa kaluluwa mo, hamong maiabot
Ng hangin ang aming dalanging mataos…
Na sapaka't ikaw'y bayaning nalugmok,
Sa langit ka naman akayin ng Diyos.


Isang dapithapon ako ay naglakad
Sa tabi ng dagat, paa ko'y napadpad;
Ang hindi mawari sarili'y naghangad
Magmasid sa alon…ang puso'y naganyak.

Kaygandang malasin ng alon sa dagat,
Lalo na't tahimik, kilos ay banayad;
Ang mumunting isda na aking namalas
Pawang masisigla't punong- puno ng galak.

Dagliang nangarap ang munting isipan,
Sana ang sarili sa isda'y kabilang;
Marahil ang lungkot ay di makakamtan
At pawang ligaya ang mararanasan.

Walang anu-ano, ako ay nagulat,
Biglaang nagbago ang hanging- habagat;
Dagling sumilakbo along mabanayad,
Masasayang isda'y nalito't nasindak.

AT itinuon ko ang aking paningin
Sa kaitasan nitong papawirin;
Mapuputing ulap ay kusang nangitim
Tila nagbabadyang may bagyong darating.

Isang sandali pa'y dagling naramdaman
Ang patak ng ulan sa aking katawan;
Ako ay tumayong buo ang isipang
Lisanin ang pook ng dalampasigan.

Habang papalayo sa dalampasigan
Nabuo sa isip isang katanungan;
Äng alon sa dagat kaya ay katulad
Ng buhay ng taong Diyos ang may gawad?"
Ikaw ay iniluwal ng baha sa bundok,
Hahala-halakhak at susutsit-sutsot:
Ang laglag na daho'y iyong dinadakot
At nagtutumuling walang lingon-likod.

Ang punung-kawayang kumiling sa libis
Ay pinipilit ming lagdaan ng halik;
Tumatakbo ka at nagluluksong-tinik;
Nagpapakaanod sa daliring siit!

Hinaharangan ka ng sangang nagdukwang,
Sinasala- sala ng damo sa pampang
Sinisilu- silo ng banging sa daan,
Nguni't patuloy kang patungo kung saan!

Hindi ka mapigil sa pagsusumagsag;
Sinisiklut- siklot sa tubig ang layag;
Sa pangungunyapit nadumhan ang ugat
Ng buwal na kahoy na kinakaladkad!

Pinahihinto ka kahi't sumandali,
Ayaw kang papigil at nagdudumali;
Ang tangay-tangay mong di makapahindi
Sa dagat mo lamang pala iuuwi!

Itong kabihasna'y anak ng Panahon,
Agos ng ligayang lungkot ang karugtong;
Tayo'y mga yagit na nagpuprusisiyon

At di- kawasa'y sa hukay nahantong!
I
Ang isang anluwage, ang isang platero
At ang isang panday, misan ay nagtalo,
Ngunit di malaman sa tatlo kung sino
Ang mayro'ng katwiran sa baya't sa tao

II
Kaya't nang di sila magkaayun- ayon
Pinabayaan nang araw ang humatol
Nag- uwian sila't sa kanilang nayon
Ang dating gawai'y ipinagpatuloy.

III
Sa pulbos na ginto at hiblang tumbaga
Rubi't diyamanteng pinagsama- sama,
Ilang araw lamang ay nakayari na
Ang dating platero ng isang korona.

IV
Ngunit itong hiyas na katangi- tangi
Na sa mundo yata'y wala nang kawangis,
Nang mapuputong na sa ulo ng hari
Daming naaliping mga baya't lahi..!

V
Sa tigas ng bakal na pinapag- alab
Binayo't pinalo upang magkatabas,
Itong panday nama'y nakagawa't sukat
Ng isang espadang hindi madalumat.

VI
Ngunit ang patalim na hindi malirip
Na sakdal ng talas ang dulo at gilid,
Nang mapasakamay ng kung sinong ganid
Ang dugo sa lupa'y naglawa't nagputik..!

VII
Sa dalawang putol na kahoy na luma
Na pinapagdipa at pianapgtama,
Ang dating anluwage sa hindi kawasa
Isang krus naman ang naibandila.

VIII ANg kurus na itong ni wala man lamang
Palamuting sangkap na nakalarawan,
Sa isang dambana, nang mapabayubay,
Ang baya't ang tao ay nagbagong- buhay..!

IX
Nang muling magtalo ang dating anluwage,
Ang dating platero't ang panday na dati,
Sa kanila- kanilang gawaing sarili
Ganito na lamang ang sukat masabi.

X
Hindi ang Koronang nakaaalipin,
Hindi ang espadang Nakahihilahil
Kundi iyang kurus na kagiliw- giliw
Ang hiyas sa mundong dapat dakilain.

"Nasa mga kabataan ang pag- asa nitong bayan"!
Iyan ang s'yang paniniwala ng bayaning Jose Rizal;
Kung ito nga ay totoo, bakit buhay kaya'y ganyan?
Tila baga balintuna ang takbo ng daigdigan

II
Kahit saan ka magpunta, mamamasdan mong tanawin
Ay gawaing nililisya't anong pangit sa paningin!
Sa sinaha't sa Luneta pagdaka ay mapapansin
Kabataang paris- paris na tagpuan ay ang dilim.

III
At kung ating mamalasin ang kanilang mga ayos,
Unang- unang mapapansin ay ang anyo niyong buhok
Sa lalaki ay mahaba't sa babae'y gusut- gusot
Na katulad ay ang pugad ng inahing nangingitlog.

IV
Pagmasdan ang dalagita't ang damit ay hanggang singit
Kaya oras na yumuko, kalangita'y masisilip;
Binatilyo'y inyong tingna't ang pantalo'y anong sikip
Kaya hayu't parang supot ang saplot na nakahapit.

V
Sa handaa't mga pista't iba't ibang pagdiriwang
Tila buhay na manika ang tin- edyer kung sumayaw;
Parang baga kung mag alab, nag iinit ang katawan
Kaya trumpong umiikot ang katulad sa bulwagan.

VI
Ang babae at lalki'y di mo na makilala
Pagkat walang pinag-ibhan sa buhok at suot nila,
Binatilyo ay maharot sa ugali't kilos niya,
Dalagita ay malayo sa kilos ni Maria Clara.

VII
Kung ganito ang s'yang takbo ng kanilang pag- iisip
Hindi dapat na pagtakhan ang paggulo ng daigdig;
Ngunit mga kabataan, di pa huli ang magbalik
Sa buhay na maligaya at malayo sa ligalig.

VIII
Kung talagang nais ninyong bayan natin ay umunlad
Sa gawai't mga kilos magbago na kayong ganap,
Makiisa at tumulong sa lipunang bagong tatag
Nitong mahal na Pangulo sa bayan ay lumiliyag.

I
Inakay na munting naligaw sa gubat,
Ang hinahanap ko'y ang sariling pugad,
Ang dating pugad ko noong mapagmalas
Nang uupuan ko na ang laman ay ahas.

II
Oh! Ganito pala itong Daigdigan
Marami ang sama kaysa kabutihan;
Kung hahanapin mo ang iyong kaaway,
Huwag kang lalayo't katabi mo lamang.

III
Ako'y parang bato na ibinalibag,
Ang buong akala'y sa langit aakyat,
Nang sa himpapawid ako'y mapataas,
Ay bigat ko na rin ang siyang naglakpak.

IV
Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,
Sarili mong bigat ay paninimbangan,
Kung ikaw'y mabuti'y kinaiingitan,
Kung ikaw'y masama'y kinapopootan.


V
At gaya ng isdang malaya sa turing
 ang langit at lupa'y naiingit sa akin;
Subali't sa isang mumo lang ng kanin,
Ako'y nabingwit na't yaon pala'y pain.

VI
At sa pagkabigo'y nag aral na akong
Mangilag sa mga patibong sa mundo;
Kahit sa pagtulog, huwag pasiguro't
Bangungo't mo'y siyang papatay sa iyo.

VII
Ang buhay ng tao ay parang kandila
Habang umiikli'y pumapatak ang luha;
Nuhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
Ang luksang libinga'y laging nakahanda.


VIII
Ang palad ay parang turumpong mabilog,
Lupang hinuhukay sa ininug- inog;
Subali't kung di ka babago ng kilos,
Sa hinukayan mo'y doon mahuhulog.

I
Ibig kong marating ang abot ng tanaw,
Ibig kong maabot ang langit na bughaw,
Lupang malalawak sana ay malakbay,
Dagat na malalim ay mapaglanguyan…

Ang nais ko'y aking mapagbigyang lahat
Ang may pitang ako'y magdudulot ang hangad
At makalinga ko ang kawawang anak…

II
Datapwa!... Datapwa, langit na marikit!
Pag ako'y lilipad sa may himpapawid,
Ay may pumapana sa pakpak ko't bagwis,
Sadyang pinipigil ako't ginigipit…

Ang buhay ng tao ay talagang ganyan:
Kung dadakila ka, ag inggiting kamay
Ay nasa likod mo't may batong pamatay
Kung nasasawi ka ay pagtatawanan..!

III
Sa bundok at parang ay lubhang madawag
Sadyang manganganib ang nagsisilakad,
Subali't sa bayang masaya't magilas,
Ang salarin ay lalong marami't laganap….

Kung sa paglusong mo sa ilug- ilugan
Ay nadudulas ka sa lumot ng pampang,
Sa dagat pa kayang pating ay makapal,
Hindi mapalungi ang buhay na taglay?

1
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?

2
Tuturuan kong lahat ang mga taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig marating
Ang dulo ng hindi maubos- isipin.

3
Yaring pag- ibig ko'y katugin, kabagay
Ng kailangan mong kaliit- liitan,
Laging nakahandang pag- utus- utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

4
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira'y hindi paaapi
Kasinwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa ga papuri.

5
Pag- ibig ko'y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang  bathin,
Noong ako'y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

6
Yaring pag0 ibig ko ang nakakabagay
Ay ang pag- ibig ko sa maraming banal,

7
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

8
Yaring pag ibig ko ay siyang lahat na
Ngiti, luha, buhay at aking hininga,
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga,
Malibing ma'y lalong iibigin kita.


We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO

Nilikha ng diyos ang sansinukuban…
Hindi ganap na malibog,
May dagat, may lawa, may lupa, may bundok;
Sa gawing itaas at gawing ibaba
Ay yelong malamig yaong bumabalot;
Sa pagitan nito'y maalab na apoy
Ang sa bawat bagay nama'y sumusunog.

2
Iyan ang tahanan nitongg tao sa daigdig
Na may kakulanga't mga kahidwaan;
Sa likod ng sama ay may kabutihan.
Nananahanan ka, tao, sa daigdig na di-ganap na mabuti,
Hindi ganap na masama;
May lambak na patag at may katapanganng ng burul- burol,
May magandaang- pangit at may pangit na maganda.

3
Ikaw'y nakasakay sa agos ng buhay,
Ang dinaraana'y di ganap na pangit
At di- ganap na maganda;
Pag ikaw'y naglakbay sa ilog na ito
Ay huwag hanapin yaong kakulangan,
Mga kamalian, mga kapangitan;
Kung may makita man ay huwag itampok
Sa taluktok ng bundok,
Ang lalong mainam, magmamagandang- loob,
Magbulag- bulagan;
Ang iyong hanapi'y yaong kabutihang naron sa taguan;
Ang pinakamadilim at pinakamaulap na gabi
Ay may sinag na liwanag sa likod ng panganorin.

4
Higit na mabuti ang tanawin mo'y talang
Kukuti- kutititap ang taglay na sinag
Kaysa titignan mo ang apoy ng araw na nakasisilaw.

Hindi mababago ang uri at anyo
Ng ano mang bagay na itinadhana ng katalagahan.

1
Umuunlad ang daigdig…
Sa mabilis na pag-inog
Ang bolang ga- mundo'y
Natulad sa golf
Ang lupang mapalad;
Kumitid kumipot.

2
Umuunlad ang tao…
Ang payak na buhay
Ngayon ay gumusot,
Ang buhay sa nayo'y
Naging buhay- lungsod.

3
Umuunlad ang karunungan…
Ang dating a, b, k
Ngayo'y karunungang
Lagpas na sa zeta,
At ang lampara at kandila
Ay naging ilaw- dagitab.

4
Bakit? Bakit? Bakit?
Nagbago ang daigdig?
Nag-iba ang tao?
Nag- iba ang buhay?
At ang sagot na aking naulinig;
Agham!
Agham!


1
Hindi ako iba, ako'y Pilipino
Sumilang sa lupang mayama't matao…
Pulo- pulong lupang lumutang sa dagat,
tabi- tabingg pulong may bundok at gubat,
Alaga ng araw sa ganda't liwanag
Mutya ng silangan, ngala'y Pilipinas

2
Nabuhay, lumaki, nag- aral, natuto
Aking natutuhang nabubuhay tayo
Sa sariling lakas, sikap at talino…
Tayo'y may layunin at diwang maganda
Marunong magtiis, maalam magbata,
Pagka't Pilipino sa diwa't kaluluwa.

3
Ako'y Pilipino at hindi dayuhan,
Sa silangan tubo't di tagakanluran.
May isang watawat at sariling wika,
Anak- bansang sakdal tapang at malaya,
Tiwasay ang buhay at puso'y payapa,
Kalahi ni Rizal, karugtong sa diwa..

4
Ako'y kayumanggi't kapatid sa kulay
Banat ang buto at salab sa Araw,
Dakila ang mithi at banal ang pakay…
Tapat at marangal sa kaisang palad,
Pagka't Pilipinong taga- Pilipinas.
At si magtataksil sa kanyang watawat,
Lalong di susuko kahit mawakwak…

5
At sa nagtatanong na kung ako'y sino,
Ang sagot ko'y tiyak, walang pagtatalo:
Ako'y anak- lahing may isang Bathala,
May isang watawat sa sariling wika,
Tumubo sa isang bayang masagana
Sa dugong bayaning nagsipanalasa…

6
Nabuhay sa hirap, sa hirap magtatagumpay
Ng Pagsasarili't tanging kalayaan,
Na kung tutuusin yaong kahuluga'y
Kusang mabubuo sa pagasalaysay
Ng isang katagang tunay at totoo:
Hinding- hindi iba yaring pagkatao,
Pilipinong likas, ako'y Pilipino.

We are giving away Free Ebooks of Philippine Heroes

 

Does this ebooks work?

1887 Votes for Yes/ 5 For NO


Jose Experanza Cruz

Halaga ng isang bagay ay hindi nasusukat
Sa taglay niyang anyong sa tingin ay hamak

Namamasyal noon ang hari sa hardin
Upang bigyang- laya ang diwa’t panimdim
Walang anu- ano’y natawag ang pansin
Ng batong maliit na hamak sa tingin.

Bato’y tinitigan at tinisud-tisod
At saka tinanong ang kanya ring loob;
Ano kaya itong himala ng Diyos?
Bakit pati rito sa mundo’y sumipot?

Bato ay maliit at hamak na hamak
Siya ay dakila at hari niya nakuro’t natatap
Na ang hari’t bato’y pantay rin ang sukat.

Kung saan- saan na naglakbay sa isip
Ng haring nawili sa pagkakatitig
Sa waka, nakurong ang taglay na guhit
Ng kanilang palad ay nakakawangis.

Gihis pa nga siya kung tutuusin
Ng hamak na batong maliit sa tingin;
Siya’y  maglalayag na patungong libing
Bato’y matitirang bato rin sa hardin…
national heroes, national hero of the philippines, national heroes day philippines 2015, national hero, national heroes of the philippines, national heroes day philippines, national heroes day,salawikain halimbawa, salawikain tungkol sa wika, salawikain, salawikain examples, salawikain at kahulugan, salawikain sawikain at kasabihan, salawikain filipino, bugtong, bugtong pinoy,bugtong examples