"Nasa mga kabataan ang pag- asa nitong bayan"!
Iyan ang s'yang paniniwala ng bayaning Jose Rizal;
Kung ito nga ay totoo, bakit buhay kaya'y ganyan?
Tila baga balintuna ang takbo ng daigdigan
II
Kahit saan ka magpunta, mamamasdan mong tanawin
Ay gawaing nililisya't anong pangit sa paningin!
Sa sinaha't sa Luneta pagdaka ay mapapansin
Kabataang paris- paris na tagpuan ay ang dilim.
III
At kung ating mamalasin ang kanilang mga ayos,
Unang- unang mapapansin ay ang anyo niyong buhok
Sa lalaki ay mahaba't sa babae'y gusut- gusot
Na katulad ay ang pugad ng inahing nangingitlog.
IV
Pagmasdan ang dalagita't ang damit ay hanggang singit
Kaya oras na yumuko, kalangita'y masisilip;
Binatilyo'y inyong tingna't ang pantalo'y anong sikip
Kaya hayu't parang supot ang saplot na nakahapit.
V
Sa handaa't mga pista't iba't ibang pagdiriwang
Tila buhay na manika ang tin- edyer kung sumayaw;
Parang baga kung mag alab, nag iinit ang katawan
Kaya trumpong umiikot ang katulad sa bulwagan.
VI
Ang babae at lalki'y di mo na makilala
Pagkat walang pinag-ibhan sa buhok at suot nila,
Binatilyo ay maharot sa ugali't kilos niya,
Dalagita ay malayo sa kilos ni Maria Clara.
VII
Kung ganito ang s'yang takbo ng kanilang pag- iisip
Hindi dapat na pagtakhan ang paggulo ng daigdig;
Ngunit mga kabataan, di pa huli ang magbalik
Sa buhay na maligaya at malayo sa ligalig.
VIII
Kung talagang nais ninyong bayan natin ay umunlad
Sa gawai't mga kilos magbago na kayong ganap,
Makiisa at tumulong sa lipunang bagong tatag
Nitong mahal na Pangulo sa bayan ay lumiliyag.