Nilikha ng diyos ang sansinukuban…
Hindi ganap na malibog,
May dagat, may lawa, may lupa, may bundok;
Sa gawing itaas at gawing ibaba
Ay yelong malamig yaong bumabalot;
Sa pagitan nito'y maalab na apoy
Ang sa bawat bagay nama'y sumusunog.
2
Iyan ang tahanan nitongg tao sa daigdig
Na may kakulanga't mga kahidwaan;
Sa likod ng sama ay may kabutihan.
Nananahanan ka, tao, sa daigdig na di-ganap na mabuti,
Hindi ganap na masama;
May lambak na patag at may katapanganng ng burul- burol,
May magandaang- pangit at may pangit na maganda.
3
Ikaw'y nakasakay sa agos ng buhay,
Ang dinaraana'y di ganap na pangit
At di- ganap na maganda;
Pag ikaw'y naglakbay sa ilog na ito
Ay huwag hanapin yaong kakulangan,
Mga kamalian, mga kapangitan;
Kung may makita man ay huwag itampok
Sa taluktok ng bundok,
Ang lalong mainam, magmamagandang- loob,
Magbulag- bulagan;
Ang iyong hanapi'y yaong kabutihang naron sa taguan;
Ang pinakamadilim at pinakamaulap na gabi
Ay may sinag na liwanag sa likod ng panganorin.
4
Higit na mabuti ang tanawin mo'y talang
Kukuti- kutititap ang taglay na sinag
Kaysa titignan mo ang apoy ng araw na nakasisilaw.
Hindi mababago ang uri at anyo
Ng ano mang bagay na itinadhana ng katalagahan.