Mga
Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.
1. Puri
sa harap, sa likod paglibak
2.
Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron
3. Ang
tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan
4.
Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
5. Kapag
tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila
6.
Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan
7. Hindi
sasama ang pare, kundi sa kapwa pare
8.
Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo
9. Ang
taong tamad, kadalasa'y salat
10.
Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
11. May
pakpak ang balita, may tainga ang lupa
12.
Sagana sa puri, dukha sa sarili
Mga
Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba
at pag-ingat.
1. Ang
ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
2. Ang
magandang asal ay kaban ng yaman
3.
Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
4. Ang
may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
5. Ang
mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
6. Ang
katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
7. Ang
ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
8.
Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
9. Bago
mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili
10. Ang
lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung
matinik ay malalim
Mga
salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya.
1.
Buhay-alamang, paglukso ay patay
2.
Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
3. Ang
tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
4. Ang
hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
5. Gaano
man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat
6. Ang
maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili
Mga
salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.
1.
Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa
2. Kaya
matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis
3. Ang
mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
4. Ang
lakas ay daig ng paraan
5.
Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe
6. Ako,
ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran
Mga
salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.
1. Ang
lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan
2. Sa
larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang
3.
Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan
4. Ang
bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang
5.
Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi
6. Ang
lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan
7. Kapag
pinangatawanan, sapilitang makakamtan
Mga
salawikain patungkol sa pagtitiis
1.
Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot
2. Pag
may hirap, may ginhawa
3.
Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha
4. Pag
may kalungkutan, may kasiyahan
5. Kung
aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang
6.
Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag
Iba pang
salawikain…
1. Nasa
Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
2. Kapag
ang tao'y matipid,maraming maililigpit.
3. Ano
man ang gagawin, makapitong iisipin.
4. Ang
hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
5.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
6. Ang
tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
7. Ang
magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
8. Ang
gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.
9. Pag
di ukol, ay di bubukol.
10. Kung
sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
11. Daig
ng maagap ang taong masipag.
12. Ako
ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.
13.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
©
internet