Ikaw ay
iniluwal ng baha sa bundok,
Hahala-halakhak
at susutsit-sutsot:
Ang
laglag na daho'y iyong dinadakot
At
nagtutumuling walang lingon-likod.
Ang
punung-kawayang kumiling sa libis
Ay
pinipilit ming lagdaan ng halik;
Tumatakbo
ka at nagluluksong-tinik;
Nagpapakaanod
sa daliring siit!
Hinaharangan
ka ng sangang nagdukwang,
Sinasala-
sala ng damo sa pampang
Sinisilu-
silo ng banging sa daan,
Nguni't
patuloy kang patungo kung saan!
Hindi ka
mapigil sa pagsusumagsag;
Sinisiklut-
siklot sa tubig ang layag;
Sa
pangungunyapit nadumhan ang ugat
Ng buwal
na kahoy na kinakaladkad!
Pinahihinto
ka kahi't sumandali,
Ayaw kang
papigil at nagdudumali;
Ang
tangay-tangay mong di makapahindi
Sa dagat
mo lamang pala iuuwi!
Itong kabihasna'y anak ng Panahon,
Agos ng
ligayang lungkot ang karugtong;
Tayo'y
mga yagit na nagpuprusisiyon
At di-
kawasa'y sa hukay nahantong!