Isang dapithapon ako ay naglakad
Sa tabi ng dagat, paa ko'y napadpad;
Ang hindi mawari sarili'y naghangad
Magmasid sa alon…ang puso'y naganyak.

Kaygandang malasin ng alon sa dagat,
Lalo na't tahimik, kilos ay banayad;
Ang mumunting isda na aking namalas
Pawang masisigla't punong- puno ng galak.

Dagliang nangarap ang munting isipan,
Sana ang sarili sa isda'y kabilang;
Marahil ang lungkot ay di makakamtan
At pawang ligaya ang mararanasan.

Walang anu-ano, ako ay nagulat,
Biglaang nagbago ang hanging- habagat;
Dagling sumilakbo along mabanayad,
Masasayang isda'y nalito't nasindak.

AT itinuon ko ang aking paningin
Sa kaitasan nitong papawirin;
Mapuputing ulap ay kusang nangitim
Tila nagbabadyang may bagyong darating.

Isang sandali pa'y dagling naramdaman
Ang patak ng ulan sa aking katawan;
Ako ay tumayong buo ang isipang
Lisanin ang pook ng dalampasigan.

Habang papalayo sa dalampasigan
Nabuo sa isip isang katanungan;
Äng alon sa dagat kaya ay katulad
Ng buhay ng taong Diyos ang may gawad?"
Categories:
national heroes, national hero of the philippines, national heroes day philippines 2015, national hero, national heroes of the philippines, national heroes day philippines, national heroes day,salawikain halimbawa, salawikain tungkol sa wika, salawikain, salawikain examples, salawikain at kahulugan, salawikain sawikain at kasabihan, salawikain filipino, bugtong, bugtong pinoy,bugtong examples