Ang buhay ng tao sa mundo ay ganito:

Ngayong: munting ibong ang pinapangarap
Mamugad sa lundo ng bughaw na ulap;

Sa kinabukasan; isa nang bulaklak
Sa dulo ng sangang bagong kabubukad:

Ngunit… sa ikatlong
Araw ng pagbangon.
Bagyo'y dumarating- ang bagyo ng Palad
At lilisanin kang yagit na kumalat.

Ilawang binagyo't nawalan ng ningas:
Minsan… akont ito'y
AT naging ibon pa, at naging bituin
Na kinasilawan ng libong paningin;
Naging araw ako sa lubhang maningning
At naging awit pang sa madla'y umaliw…

Subali… nang ako
Ay datnan ng Bagyo…
Nang mawalang lahat ang hiyas kong angkin:

Sa pakpak- ang kulay; sa awit- taginting:
Sa bagwis- ang lakas;
Sa bitui'y kislap,
Sa aki'y wala nang pagsuyo't panimdim
Na ibig mag- ukol ng awa't pagtingin.
Categories:
national heroes, national hero of the philippines, national heroes day philippines 2015, national hero, national heroes of the philippines, national heroes day philippines, national heroes day,salawikain halimbawa, salawikain tungkol sa wika, salawikain, salawikain examples, salawikain at kahulugan, salawikain sawikain at kasabihan, salawikain filipino, bugtong, bugtong pinoy,bugtong examples