Ibog kong
marating ang abot ng tanaw,
Ibig kong
maabot ang langit ng bughaw,
Lupang
malalawak sana ay malakbay,
Dagat na
malalimay mapaglanguyan…
Ang nais
ko'y aking mapagbigyang lahat
Ang may
pitang ako'y magdulot ang hangad
Ang
makalinga ko ang kawawang anak…
Datapwa…
datapwa, langit na marikit!
Pag ako'y
lilipad sa may himpapawid,
Ay may
pumapana sa pakpak ko't bagwis,
Sadyang
pinipigil ako't ginigipit…
Ang buhay
ng tao ay talagang ganyan:
Kung
dadakila ka, ang inggiting kamay
Ay nasa
likod mo't may batong pamatay
Kung
nasasawi ka ay pagtatawanan…!
Sa bundok
at parang ay lubahang madawag
Sadyang
manganganib ang nagsisilakad,
subali't
sa bayang masaya't magilas,
Ang
salarin ay lalong marami't laganap…
Kung sa
paglusong mo sa ilu-ilugan
Ay
nadudulas ka sa lumot ng pampang,
Sa dagat
pa kayang pating ay makapal,
Hindi
mapalungi ang buhay na taglay?