Si Rizal
ay sino?
Hayaang
ako rin ang tumugon dito:
Si Rizal
ay isang karaniwang tao,
Nilalang
kayumangggi ng lahing pinoy;
Pagkat
manunubos siya ng paglaya nating Pilipino.
Nang
kanyang igugol sa tigang na lupa nitong Bagumbayan
Ang
mapulang dugo ng kabayanihan
Ay
ngiting matamis yaong namulaklak
Sa labi
ni Rizal.
Sa
kanyang pagyao'y kanyang nalalamang
Siya'y
nag-iiwan ng matabang binhi sa dibdib ng bayan;
Ng
magsisisunod na sa ating lupa ay manunukulan.
Kung
buhay si Rizal ay ano nga kaya ang kanyang gagawin
Sa
nagpamalas na kapansin- pansin
Na gawa
ng ilang kababayan natin?
Katulad
ni Kristo'y kanyang itataboy at palalayasin
Sa templo
ng bayan ang nagpapayaman sa mga tungkulin;
Sa talim
ng kanyang tabak na panulat, kanyang wawasakin
Ang
tronong lulukan ng ganid at sakim,
Nang di
na magamit ang kapangyarihang
Busalan
ang bibig ng malayang bayan
Upang di
malantad ang katotohanan
Na
ikinukubli sa likod ng mga masamang walang ngalan.
Hahambalusin
din ng kanyang panitik
Ang
nangakalimot sa pangakong langit,
Yaong sa
simula, nang kandidato pang nangagsisilapit,
Ay parang
binata sa harap ng kanyang mutyang iniibig.
Ngunit
nang matami
Ang tamis
ng oo
At sampu
ng boto
Ay
nagsalawahang iniwang tumangis
Bayang sa
kanila'y nagyiwalang labis.
Kung
buhay si Rizal di mapipigil
Ang
dalo'y ng kanyang damdami't panulat;
Katulad
ng agos na nagtutumulin
Ay di
masasarhang tumugppa sa dagat;
Sapagkat
si Rizal
Di paris
ilan
Na maari
mong bilhin at suhulan,
Di tulad
ng iba na mabubuhay lamang
Kahit na
lustayin ang pera ng bayan.
Kay Rizal
ang bayan ay higit sa lahat
Higit sa
salaping bulang nababasag;
Kung
buhay ni Rizal at ito ang bayang kanyang namamalas…
Madilim
at sakmal ng itim na ulap,
Ay pamuli
niyang iaalay pa rin
Ang buhay
na angkin
Upang sa
Silanga'y bumating pamuli
Ang isang
umaga na magandang- maganda at may gintong sinag.