Sang- ayon sa kasaysayan ng ating bansa, si Lapu Lapu ay siyang itinuturing na kauna-unahang bayaning Pilipino.
Simula pa lamang sa kamusmusan, kinamalasan na siya ng bilis, katapangan, lakas ng loob at pagiging masunurin sa kanyang mga magulang na sina kusgano at Inday Putil. Naging asawa niya si Bulakna, isang magandang prinsesa na anak ni Datu Sabtano. Pinagkalooban sila ng anak na lalaki na pinangalanan bilang Sawili. Si Sawili ay lumaking tulad ni Lapu- Lapu na isang matapang na mandirigma.
Ang pagdating ni Fernando Magallanes sa Sugbu, na ngayoý tinatawag na Cebu, noong Abril 7, 1521, ay nakapagpabago sa takbo ng buhay ni Lapu- Lapu at ng kanyang mga tauhan. Siya lamang ang tanging datu na hindi kumilala sa kapangyarihan ng mga Kastila. Dahil dito ay nagpuyos ang galit ni Magallanes. Sa pamamagitan ng anak ni Datu Zula, kaawaya ni Lapu- Lapu at ni Raha Humabon, binalak ni Magallanes na lubusin ang Maktan at patayin si Lapu- Lapu.
Hatinggabi ng Abril 26 nang si Magallanes, kasama ang anim- napung sandatahang Kastilla at 1,000 kapanalig na mga Sebuanos, sa pangunguna ni Raha Humabon, ay sakay ng mga bangkang tumungo sa isla ng Maktan. Dumating sila sa baybayinng Maktan bago magbukang- liwayway ng Abril 27. Samantala nmn, si Lapu- Lapu at ang kanyang mga kabig na binubuo ng 1,500 ay nakahandang naghihintay sa paglusob ng mga dayuhan.
Kasabay ng pagbubukang- liwayway ng araw ng Sabado, abril 27, 1521, nagsimula ang madugong Digmaa ng Maktan. Ang mga sandatahang pumuputok ng mga kastila ay hindi nakatinag sa mga mabangis sina Lapu- Lapu. Ang Pagkamatay ng maraming kawal sa magkabilang panig ay hindi nangahulugan ng pagtigil ng labanan. Nagpatuloy ang paghahamok ng espada ng mga kastila laban sa matatalim na tabak ng mga Pilipino. Tumagal ang kanilang paglalaban sa loob ng mahigit na isang oras ng si Magallanes ay tamaan ng kawayng sibat at bisig. Bagamat sugatan, nanatiling nakatayo at magiting na nakipaglaban ang pinuno ng mga Kastila. Sa pagkakataong ito, nagkaharap sila ni Lapu- Lapu. Nagpalitan sila ng taga hanggang sa tamaan si Magallanes sa kabilang hita ng matalim na tabakk ni Lapu- Lapu. Ito ang nagpabagsak kay Magallanes hanggang sa itoý tuluyang namatay.
Makalipas ang madugong labanan, hiniling ni Raha Humabon at ng ilang natirang kastila na makuha ang bangkay ni Magallanes kay Lapu- Lapu sa pamamagitan ng pagbili. Subali't ang kahilingan ay tinanggihan ni Lapu- Lapu at sa Halip ay ginawa niyang tropeo ng digma ang katawang bangkay ng pinunong puti. Tanging ang Diyos lamang ang nakabatid kung saang panig ng isla nailibing ang labi ni Magallanes.
Ang buhay at kasaysayan ni Lapu- Lapu ay nanatiling alamat sa isla ng Maktan. marami ang nagsasabing mga tagaroon na si Lapu- Lapu ay nabuhay pa ng maraming taon hanggang sa katandaan at bigla na lamang nawala at naglaho nang walang paalam sa kanyang mga nasasakupan. Karamihan sa mga matatanda roon ay naniniwala na si Lapu- Lapu ay naging isang malaking dagat- bato, na ngain ay tinatawag na Malingin, na makikita sa timog ng Puerto Engano. Kung ito man ay totoo o hindi, masasabi nating wala itong gasinong kahalagahan sa kasaysayan. Ang mahalaga ay mananatili siyang buhay sa puso ng bwat Pilipino at sa ginintuang pahina ng mga Bayani ng Lahing Kayumanggi.
1887 Votes for Yes/ 5 For NO